Chapter 9: The Search

296 67 8
                                    

The Search

Liah's POV

5 o'clock palang ng umaga, nagising na agad ako. Lumabas nalang ako ng kwarto at saka nagpunta sa kusina para uminom ng tubig. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa pinto, dahil baka magising ko si Denise at Beatrix.

Nang makalabas ako, dumeretso ako kaagad sa kusina. Nakita ko si Airo na nakaupo sa isa sa mga upuan. Dahan dahan siyang napatingin sa kinatatayuan ko.

Oh shit! Napakahot niyang tignan. Ilang segundo na akong nakatingin sakanya, nang bigla siyang ngumiti. Napalunok nalang ako, dahil sa pagngiti niya. Totoo ba yun? Baka hindi si Airo 'to ah?

"Upo ka Liah." Mahinang sambit niya. Hindi ko alam pero parang awtomatikong sumunod yung katawan ko sa sinabi niya. "You want coffee?" Tanong niya pa sakin. Tumango ako na parang wala sa sarili. Tumayo naman siya at saka lumapit sa may coffee maker at saka ako pinagtimpla.

Anong nangyayare sayo Airo?

Pagkatapos niyang gawin yung kape ko, inilapag niya 'yon sa harap ko at saka ako nginitiang muli.

"Nananaginip ba 'ko?" Tanong ko sakanya sabay sampal ko sa sarili ko at saka kinurot yung braso ko. "Aww!" Daing ko kaya naman natawa siya.

"Hindi ka nananaginip Liah. So, stop hurting yourself." Napatingin naman ako sakanya na nakangiti parin. Habang hinahaplos haplos yung braso ko, yung part na kinurot ko.

"Sino ka? Nasaan yung tunay na Airo? Yung masungit, yung snobber tska monster!? Nasaan!?" Tanong ko sa impostor na 'to. Wala akong pake kahit magising pa ang ibang mga kasama ko. Gusto kong mahanap si Airo.

"Tsk! Stop shouting." Sagot naman niya. Hala si Airo nga siya. Masungit na ulit eh.

"Sorry, akala ko kasi impostor ka." Sabi ko pero umalis na siya dito sa kusina. Back to beastmode na siya. 'Di bale na, atleast ginawan niya ako ng kape. Tinikman ko na yung ginawa niya. Ang bango shet.

"Goodmorning Liah!!!" Biglang sigaw ng lalaking laging mataas ang energy. Nagulat ako kaya naibuga ko yung kape sa harap ko. "Ay sorry , nagulat ba kita?"

"Halata ba?"

"Sorry Liah, ako na magpupunas niyan." Presinta niya at saka kumuha ng basahan pamunas ng natapon na kape. Mabait si Nathaniel at maaalalahanin. Masyado nga lang enegertic, kaya naiirata sakanya yung mga kasama naming masyadong seryoso sa buhay.

"Gusto mo gawan kita ng coffee Nathaniel?" Tumingala naman siya sakin na mukhang tuwang tuwa sa narinig. Eto pa yung isang pinakagusto ko sakanya, inaappreciate niya lahat ng bagay na nagagawa ng ibang tao sakanya. Simple man o hindi.

"Of course, sino ba namang tatanggi Liah? Tenchuuuu!" Bibong tugon niya. Para talaga siyang bata.

Ngumiti na lang ako sakanya at saka na lumapit sa coffee maker para gawan siya ng coffee. Nang matapos ako, binigay ko na ito sakanya.

"Wow, salamat." Sabi niya sabay alis sa kusina. Maybe nagpunta na sa living room kung saan naroon si Airo. Sumunod nalang din ako sakanya, dala ang tasa ko.

"Airo, tignan mo. Ginawan ako ng coffee ni Liah. Ang sweet." Proud na balita niya kay Airo nang makarating kami sa living room.

"Tss." Tanging tugon ni Airo. Napakasungit talaga ng lalaking 'to.

"Uy may bitter." Asar ni Blue na kakalabas lang ng kwarto nila. Kaya binato siya ni Airo ng unan pero naiwasan naman niya ito.

"Mag-ayos na kayong lahat. We should finished our mission as soon as possible." Ani Azrael habang kinukusot kusot pa ang mata. Grabe ang cute ng kuya kuyahan ko. This guys are all awesome. Masaya ako na nakilala at naging kaibigan ko sila.

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Where stories live. Discover now