Chapter 22: Air and Earth Guardian

166 16 5
                                    

Air and Earth Guardian

NAPADABOG ako ng makita ang isang lalaking lumilipad sa hangin habang hinahagisan ako ng kung anu-anong mga bagay na nasa paligid. Si Pegalorn, ang Air Elemental Guardian. Ang guardian ni Kuya Azrael.

Kung ako nga talaga ang Elemental Princess, kung gano'n si Azrael ay totoong kuya ko pala talaga. Bahagya akong napangiti sa aking naisip. Kaya naman pala magaan ang loob ko sakanya. Magpinsan pala kaming dalawa. Parehas ang dugong nananalaytay saming dalawa.

Bumalik ako sa huwisyo nang matamaan ako ng isang matalim na bagay sa aking braso. Mabilis itong nagdugo kaya agad kong pinunit ang kapirasong tela sa damit ko at itinali sa braso ko upang hindi na magdugo ito.

Muli kong ibinaling ang tingin ko kay Pegalorn na balak nanaman akong paulanan ng kung anu-anong bagay sa paligid. Kelan ba matatapos 'tong training na 'to.  Puro iwas lang ang ginagawa ko, dahil hindi ko naman siya kayang sundan at hindi ako marunong lumipad kagaya niya.
Dahil sa inis ko, sinunog ko ang lahat ng pwede niyang ibato sa'kin. Dahilan para mapakunot ang noo niya.


"Wala bang nakapagsabi sa'yo na.. hindi mo pwedeng gamitin ang ibang elemento bukod sa dapat mong pag-aralan, sa bawat guardian na magtuturo sa'yo?" wika niya.

"Wala," tipid kong tugon. Sa pagkakaalam ko wala naman talagang ganoong instruction sa'kin ang mga naunang guardians.
Hindi na siya muling sumagot, sa halip ay bumaba nalamang siya sa lupa. Tindig siyang nakatayo sa harap ko ngayon.

"Maupo ka. Do meditation." Utos niya sakin. At dahil gusto ko na ring matapos ang training na 'to ay sumunod nalamang ako sakanya. Patience Liah. Patience! Kailangan mong gawin ang lahat ng 'to para sa buong magical world.

"Focus and Concentrate Liah."

Pumikit ako at sinubukang kalmahin ang aking sarili. Nag-isip ako ng mga tanawing maaaring makapagpakalma sakin. Unti-unti ay nararamdaman ko ang malakas na hanging dumadampi sa balat ko. Ang malakas na enerhiyang bumabalot sa katawan ko.

"Woah!" Dinig kong sigaw ni Pegalorn, marahil ay natangay na siya ng hangin na gawa ko. Marahan kong minulat ang aking mga mata. Hindi nga ako nagkamali, dahil nagawa kong kontrolin ang hangin. Ngunit higit pa ito sa inaakala ko. Dahil nakalikha ako ng ipo-ipo. Isang malaki at malakas na ipo-ipo.

Sinubukan kong pagalawin ang isang malaking bato na nasa gilid ni Pegalorn. Laking gulat niya nang ito'y aking mapaangat at durugin.

"Amazing!" wika niya.

Pagkatapos kong durugin ang malaking bato na 'yon ay nawala na din ang ipo-ipong nalikha ko. Napatingin ako sa paligid ko na animo'y dinaanan ng matinding delubyo.

"Binabati kita Liah, napakagaling ng ginawa mo. You also have the telekinesis ability. Kaya mo pang pasabugin o durugin ang kahit na anong bagay sa ilang segundo lang."

"Hindi ba't napagalaw ko ang malaking tipak ng batong 'yon dahil sa air element?" Naguguluhang tanong ko sakanya. Bago sumagot ay ngumiti muna ito sakin, animo'y tuwang tuwa sa nagawa ko.

"Hindi Liah, masyadong mabigat ang batong 'yon para maitangay ng hangin. At isa pa, nakabaon pa ang halos kalahating parte ng bato sa lupa," sagot niya. Hindi ko tuloy maiwasang mamangha sa mga kakayahan ko. "Tama nga sila, mabilis kang matuto," dagdag pa niya. Sino ba ang tinutukoy niya? Si Squantin at Drago?

Tss. Mukhang sila nga, at sa tingin ko'y may isa pa akong makakaharap ngayon. Hindi nga ako nagkamali dahil bigla nalang sumulpot ang isa pang guardian at kung hindi ako nagkakamali, siya ang Earth Element Guardian. Hindi ko alam kung paano ko nalaman ang pagdating niya. Marahil ito ay dahil sa konektado din sila sa akin kahit papaano.

"Lokarion," bungad ni Pegalorn sa bagong dating na Earth Guardian. Siya ang may pinakamalaking katawan sa lahat ng element guardian. Kaya naman hindi ko maiwasang hindi matakot sakanya. Tinanguan lang niya si Pegalorn at ibinaling ang tingin sa akin. Pakiramdam ko ay nanliit ako sa mga tingin niya. 

Nang sandaling ngumisi ito ay kinilabutan ako. Susmiyo!

"Wag mo namang takutin ng ganyan ang prinsesa Lokarion," wika ni Pegalorn. Gusto ko tuloy yakapin si Pegalorn sa sinabi niya. Sige lang, kumbinsihin mo siya na wag namang maging harsh sakin. Tingin palang para kanang papatayin.

Tumawa naman ito at saka ako muling tinignan.

"You look so cute mahal na prinsesa," napangiwi nalang ako sa sinabi niya.  Liah, wag kang magpapaniwala sa mga sinasabi niyan. Sakanya ka pinakamahihirapan. Words can be decieving. Eh? Saang lupalop ko nanaman ba 'yon na hugot.

"S-salamat," nangangatal akong sumagot sa kanya.

"You look so scared Liah. Hindi kanaman niya papatayin. Nandito siya para i-train ka Liah," natatawang sabi sakin ni Pegalorn. Kung kanina gusto ko siyang yakapin, ngayon gusto ko na siyang paslangin.

"Let's start," matigas na wika ni Lokarion. Marahan akong napaatras. Ba't ba parang napakaseryoso ng englisherong guardian na 'to.

"I want you to push that rock," sabi niya habang nakaturo ang hintuturo sa isang malaking tipak ng bato. Pwede bang durugin ko nalang yan katulad ng ginawa ko kanina?

"Itu-tutulak?"

Tumango lang ito bilang tugon. Napakaseryoso talaga niya. Hindi ako pwedeng pumalpak dito. Wala nakong nagawa kundi lumapit sa batong tinuturo niya. Mas malaki pa 'tong bato kesa sakin. Paano ko 'to itutulak? Susmiyo!

"Use your power and strenght," dinig ko pang sabi niya.

Pumikit ako at pumwesto na para maitulak ko na ang batong 'to. Huminga muna ako ng malalim bago bumilang.

Isa..dalawa..tatlo!

"AHHHHHHHHHH!! AHHHHHHGGG!" sigaw ko at ibinigay ang buong lakas ko para maitulak ang bato. Hiningal na ako't napagod kakatulak sa batong 'to, pero hindi man lang ito gumalaw kahit konti. Ginawa ko na lahat ng posisyon na maaari kong gawin sa pagtulak pero wala paring nangyayari. Napaupo nalang ako dahil sa pagod at frustration.

Narinig ko din ang pagtawa ng isang lalaki na nanonood lang sakin.

"Sinasabi ko na nga ba, hindi talaga pwedeng walang kapalpakan na mangyayari sa'yo Liah."

Matalim kong tinitigan si Pegalorn. Bakit ba nandito pa ang isang 'to? Mabilis naman itong nagpeace sign at bigla nalang naglaho na parang bula. Bumalik ang atensyon ko kay Lokarion na papalapit na sa lokasyon ko.

"Kailangan mo ng matinding pwersa bago mo maitulak ang batong ito mahal na prinsesa," tulala akong nanood sa kung ano mang gagawin niya at bahagyang lumayo sa kanya.

Umatras siya at parang may malakas na hangin ang humawi sa buong paligid,  maging ako ay naapektuhan ng malakas na enerhiyang 'yon. Isang iglap lang ay walang kahirap hirap na naitinulak ni lokarion ang bato. Muntik na akong mapapalakpak sa ginawa niya ng bigla siyang tumingin muli sa kinaroroonan ko.

Ikinumpas niya ang kamay niya pataas kasabay nito ang pag-angat ng isang malaking tipak ng lupa. Shit! Parang awtomatikong gumalaw ito papalapit sa direksyon ko. Masyado naman yata niya akong binibigla.

"Focus Liah. Focus!" Bahagya akong umatras at kagaya ng ginawa ni Lokarion kanina, naramdaman ko ang naguumapaw na enerhiyang dumaloy sa katawan ko. Nang lumapat sa palad ko ang malaking tipak ng lupa ay agad kong pinakawalan ang enerhiya at lakas ko. 

"Ahhhhhhhh!"

*boooogsssshh*

Pagmulat ng mata ko ay nakita ko nalang ang pagsalpok ng lupa sa puno na natumba nadin sa malakas n pagtulak ko dito. Nakita ko din sa gilid ng aking mata ang nakatayong si Lokarion. Unti-unti akong nanghina marahin ay dahil sa dami ng pwersang binuhos ko.

Naramdaman ko nalamang ang bisig ni Lokarion ng tuluyan akong mawalan ng malay.

"Sleepwell mahal na prinsesa."

·————·


-gorgeousancestor

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Where stories live. Discover now