Chapter 13: Elenchus

263 57 17
                                    


Elenchus

Liah's POV


After accomplishing our mission, bumalik na kami ng Academy. Ang dami kong nadiskubre sa kakayahan ko. Pero hindi ako sigurado kung sariling kakayahan ko nga ba ang mga nagawa ko at nakita nila sakin, o baka ito ay dahil lang sa stentorian necklace.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng biglang may humawak sa balikat ko. Kaya muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko. Marahas akong lumingon sa sa nagmamay-ari ng kamay na 'to.

"A-airo," sambit ko tsaka nagbuntong-hininga. "Akala ko kung sino na, ginulat mo naman kasi ako," seryoso lang siyang nakatingin sakin habang nakahawak parin ang kamay niya sa balikat ko. Napansin siguro niya ang pagsulyap ko sa kamay niya kaya, mabilis niya itong binawi.

"Ahh..hm, wala.. sorry."

Sambit niya at saka na ako tinalikuran. Problema nun? Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Pinagmasdan ko lang ang likuran niya habang naglalakad siya palayo nang biglang mawala siya sa paningin ko. Nagteleport na siguro siya.

"Gwapo pala niya kahit nakatalikod," bulong ko sa sarili ko.

"Eh pano kung nasa harap mo na ako?" Biglang sumulpot sa harap ko si Airo kaya napaatras ako. Pa'nong—? Sa bawat pag-atras ko ay humahakbang siya papalapit sakin, kaya tumigil na ako sa pag-atras. Pero lumapit parin siya sakin.

"Do I look more handsome now?" Aniya sa nakakaakit na tinig. Napalunok naman ako dahil sa sinabi niya. Kitang kita ko ngayon ang mapupungay niyang mga mata, matangos na ilong at mapupulang labi na kaysarap halikan.

"Done checking on my face?" Tanong niyang muli. Marahan naman akong napatango kahit na nahihiya ako sakanya. Grabe naman kasi, sobrang lapit niya sa mukha ko. Baka di ako mapagtimpi sa lalaking 'to.

"M-mas gwapo ka sa ma-malapitan," nauutal na wika ko. Sumilay naman ang ngiti sa kanyang mga labi habang nakatitig parin ang kanyang mga mapang-akit na mata. Nakanang! Marahan pa siyang lumapit sakin . Waaaah! Ano 'to Airo, hahalikan mo na ba ako? I'm not yet ready! Kaunti nalang ang distansya ng aming mukha at isang galaw nalang ay magdadampi na ang aming mga labi. Napapikit ako at hinintay ko nalamang na maramdaman ko ang kanyang labi.

..1 sec

..10 seconds

..30 seconds

..1 min

Hindi ko parin maramdaman ang mga labi ni Airo. Hanggang sa marinig ko si Nathaniel na tinatawag ang pangalan ko, kaya napamulat ako. Wala na si Airo sa harapan ko, at nasa may gilid ko naman si Nathaniel na nakangisi.

"Kanina kapa ba dyan?" Nahihiyang tanong ko sakanya. Tumango naman siya bilang tugon.

"Iniimagine mo siguro na hinahalikan kita no?" Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. "Pwede naman kitang halikan talaga kung gusto mo."

"Ha..ha..ha! Swerte mo, dyan kana nga!"

"Uy Liah, biro lang naman. Uyy hintay!" Bahala ka diyan. Kainis napahiya ako dun ah? Asan na ba yung Airo na yun. Kainis bigla nalang nawala. Nagmukha pa tuloy akong tanga do'n, na humahalik sa hangin.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagdesisyon akong magpunta sa HM's Office. Alam kong nakasunod parin si Nathaniel sakin. Pero tahimil nalang siya ngayon. Tumigil ako sa paglalakad kaya nabunggo siya sa likod ko.

"Aray! Sorry Liah," dahan dahan akong lumingon sakanya, habang siya nakayuko lang.

"Okay na yun, samahan mo nalang ako kay HeadMistress Corrins," sabi ko atsaka siya nginitian. Napangiti nalang din siya at mabilis na tumango.

——HM Office

"Anong dahilan at naparito kayo?" Tanong sa'min ng HM habang ito ay nakaupo sa kanyang swivel chair.

"Gusto ko pong malaman kung sa akin ba ang kapangyarihan na ginamit ko nung nasa mission kami o dahil lang ito sa stentorian necklace?" Napataas naman ang kilay ng HM, wari'y nagtatanong kung anong klaseng kapangyarihan ang ginamit ko.

"Isalaysay mo."

"Hindi ko po maalala ang nangyari noong bumuo ng dark sphere sina Argus at Brandon kung kaya't hindi ko maisasalaysay ang pangyayari." Napatingin naman ako kay Nathaniel at saka pinaubaya sakanya ang pagsasalaysay ng pangyayari.

"Noong papalapit samin ang dark sphere, may kung anong salita siyang binanggit. Biglang nagliwanag si Liah at lumutang sa ere, marahil ay dahil ito sa kwintas na suot niya at saka nito hinigop ang itim na enerhiya." Tamihik lang na nakikinig ang HM habang nagsasalaysay si Nathaniel hanggang sa matapos 'to.

"Tama kayo, it's because of the necklace. Ano pa bang mga kakayahan ang nakita niyo sakanya?" Tanong niya kay Nathaniel.

"Nung pinapaamin namin si Wayne. That's when the time, noong magbago ang kulay ng kanyang mga mata—" I cut him off.

"I didn't know na ganun ang nangyare sa mga mata ko. Pero may kakaibang nangyari ng mga oras na 'yon. Hindi ko alam pero madali kong nalaman mula sa mga sagot niya kung totoo o kasinungalingan lang ang mga sinasabi niya. Nagulat nalang din ako dahil nabasa ko kung ano ang nasa isip niya."

"Truthseeking at the same you read can read thoughts. Azrael is a mindreader pero hindi niya magawang basahin ang nasa isip ni Wayne. May kung anong barrier or seal na inilagay sakanya. Pero nagawa mo paring basagin ito at basahin ang kung anong naiisip niya." Napatango nalang ako sa winika ni Nathaniel. Nang mapatingin ako sa HM, nakita ko itong nakangisi.

"Elenchus," wika ni HM Corrins.

"Elenchus?" Sabay na tanong namin ni Nathaniel. Marahan naman itong tumango at saka tumayo mula sa kinauupuan nito.

"Elenchus Magic is extremely rare in magical world. Kagaya nga ng sinabi mo Nate, this is a power of truthseeking and reading mind at the same time. Marahil ito na nga ang kakayahan mo Liah. I'm glad you already discover your magic," ngumiti naman ako sa winika nito. "Siya nga pala, have already used your weapon?"

Marahil ang stentorian sword ang tinutukoy niya kaya naman tumango ako bilang tugon. "My weapon is a deadly weapon. Nung inasinta ko ang isang darkousian na umatake samin nung papunta pa lamang kami sa Bayan ng Enchanta, parang may kung anong force ang bumalot sa sword kaya't napabilis at lumakas ang lipad nito patungo sa lalaki. Pati nung nakalaban ko si Margotte, naging isang silver whip ang stentorian sword. Sa bawat hampas nito ay tiyak na malaki ang magiging impact..  dahilan para mapatay ko si Margotte."

Hindi ko nais na makapatay, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko makontrol ang sarili ko. Galit lang ang nararamdaman ko at awa para sa mga kaibigan ko na nahihirapan na dahil sa pagprotekta sakin. I just can't stand there waiting for them to die. They are protecting me, so I have to protect them also.

"Ang cool ng weapon mo Liah.."

"Stentorian sword is really powerful. I know there's a reason, why it chose you Liah."

"Siguro nga po." Tipid na wika ko. Bumalik na siya sa kanyang swivel chair at umupo ng muli.

"Bumalik na kayo sa mga klase niyo. By the way, goodluck sayo Liah. Keep on improving your ability. Continue discovering your powers." Medyo naguluhan man ako sa sinabi niya ay nginitian ko lang siya at saka tumango. Nagpaalam na kami dito at saka na lumabas ng HM Office.

Hindi mawaglit sa'king isipan ang tungkol sa weapon ko.
Gusto kong malaman kung anong dahilan kung bakit ako ang pinili nito. Bakit ako? Isang hamak na babae lamang ako na nanggaling at lumaki sa mortal na mundo. Wala akong alam sa mundong 'to. Hindi ko na rin kilala ang sarili ko. Ano ba talagang papel ko sa mundong 'to?

—————

AN: Hi guys! Short update lang Thanks for reading RBTEP. I'll try to update everyday guys so just keep on supporting this story. Don't forget to vote and comment 😍 Thankyou guys! Godbless you.

-gorgeousancestor

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon