Hahawiin ko sana ag buhok niya sa mukha ngunit naalala ko, di ko na pala siya nahahawakan. Nalungkot ako bigla. Ganun pa man sinubukan ko pa rin, pero wala talaga eh.

May pumatak na luha galing sa aking mata habang pinagmamasdan siya. Tuwing na iisip ko na mawawala siya, nalulungkot nalang ako dahil wala naman akong magagawa kundi tanggapin ito at maging masaya para sa kanya. Kung yun ang nakatadhana para sa kanya, buong puso ko itong tatanggapin ngunit sana ay bigyan lamang ako ng kahit na isang araw para masulit namin ang panahon na kami ay magkasama pa at maparamdam ang aming pagmamahal sa isa't isa.

Napangiti ako. Di man naging maganda ang simula namin ngunit heto kami ngayon, nagmamahalan kahit na kami ay nasa magkabilang mundo.

Gumalaw siya at unti-unting bumukas ang kanyang mga mata. Nginitian ko siya at napangiti naman siya.

Gusto ko siyang batukan kaso di ko na siya nahahawakan. "San ka ba nanggaling ha?! Ba't bigla bigla ka nalang mawawala tulad kanina?" tanong ko pa. Napatawa naman ito ng mahina kaya napakunot ang noo ko. "Dramatic exit ba?" Aniya at tumawa.

Gustong-gusto kong hampasin tong adik na multong to kaya lang di ko magawa. Tsk. Napanguso naman ako dahil sa di ko magawa ang gusto ko. Nakakainis!

"Ang cute mo talaga pag naiinis." Aniya dahilan para mamula ang aking mga pisngi. Pinisil niya ang pisngi ko kaya nagulat ako. "Te-teka..." Taka akong napatingin sa kanya. Ba't niya ako nahahawakan na samantalang siya ay di ko magawang hawakan? Sinubukan ko siyang hawakan pero lumalagpas lang ang kamay ko. Ni wala akong maramdaman. Para lang siyang usok na hindi mo mararamdaman pero nakikita at naaamoy mo.

"Papanong..." Nginitian lang niya ako saka tinap ang ulo ko. Nakakaingit! Di ko tuloy siya mababatukan.

Tahimik kaming pareho habang pinagmamasdan ang isa't isa. Magkaharap pa rin kami habang nakahiga. Kahit na natatakot akong mawala siya ay ramdam ko pa rin ang saya ngayong mga oras na to dahil kasama ko siya. Kasama ko ang taong mahal ko.

Gusto ko siyang yakapin pero di ko magawa. Nung sa ospital, nayakap ko pa siya nun ngunit ngayon ay hindi na samantalang nakakahawak naman ako ng multo. Tapos nakakapagtaka rin na kung minsan di siya nakakahawak ng ibang tao pero nahahawakan niya ako.

"Can I spend the rest of my time with you?" Sinsero niyang sabi sa gitna ng aming katahimikan. "Susulitin natin ang mga oras na magkasama. Just please, wag mo na ako iiwan ulit. Ayoko magsayang ng kahit na isang segundo na di kita kasama." Nakangiti ko pang sabi na may halong pagsusumamo. Tumango naman ito at nabigla ako nang niyakap niya ako bigla. My heart. Bumitiw siya sa yakap at pareho naming nginitian ang isa't isa.

We will cherish every seconds of our time together while it lasts.

Ilang minuto rin kaming nagstay sa napakakomportableng pwesto, hanggang sa may asungot na dumating. Bumukas ng pagkalakas-lakas ang pinto ko dahilan para magulat ako. "Oh jan kana! Ingay mo." Rinig ko pa ang boses ni kuya. "Jeeeeell!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko mula sa matopak na babae. Napailing nalang ako kay Jezreel. Ano ba yan, panira naman ng moment.

Di mapakaling napalingon ako sa kama ko, natatakot ako na baka umalis nanaman si Ehan. Ngunit naka sandal lang ito sa bed board habang nakapatong ang kanyang kamay sa nakataas niyang isang tuhod. Mukha siyang model sa ginagawa niya. Ngumiti ito dahilan para makampante ako na di siya aalis ulit kaya nginitian ko nalang siya pabalik.

"Oh Jezreel? Naparito ka?" tanong ko pa sa kanya. Nahiga ito sa kama habang ang paa niya ay nasa sahig pa. parang half higa, half upo. Basta yun. "Hayss. Dinadalaw ka syempre." Naupo ako sa tabi niya. "Okay lang ako uy." Saad ko pa sa kanya. Bumangon ito at hinarap ako... "Totoo bang lilipat ka na ng paaralan?" aniya. Napayuko naman ako, ayoko sana eh kaso kailangan para di na magulo ang utak ko. "Oo eh, pero don't ya worry magkikita din naman tayo. Tsk" pampalubag-loob ko naman. Ngumuso ito na animo'y isang bata. "Susundan kita, bahala ka jan." aniya at nagcrossed arms. Napailing naman ako sa kanya. Grabe tong babaeng to, parang dati lang e di naman kami close nito samantalang ngayon, wow lang.

Kumain lang kami ni Jez at nagkwentuhan. Umuwi rin ito agad dahil may pupuntahan pa daw siya. Busy talaga lagi ang babaeng to. Halos dalawang oras lang kami nagkasama habang si Ehan naman ay nakatingin lang sa amin. Minu-minuto ko siyang sinusulyapan dahil baka mawala nanaman tsk.

"Oy Jell." Tawag ni kuya habang nanonood kami ni Ehan ng Phineas and Ferb. Hawak ni Ehan ang kamay ko dahilan para makampante ako na di siya aalis. "Bukas darating ang albularyo. Ipapasara ko na ang third eye mo, masyado nang delikado." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ayoko! Gusto ko pang slitin ang araw na kasama si Ehan. "Kuya, ayoko..." saad ko pa na may halong pagsusungit. 

"Nakadesisyon na ako." Matigas niya pang sabi. Umiiling naman ako nang umiiling. "Kuya, ayoko please? Bigyan mo lang ako ng isa pang linggong palugit." Pagmamakaawa ko pa. bumuntong hininga naman ito. "Oh sige. Isang linggo." Aniya kaya napayakap ako sa kanya at paulit-ulit na nagpasalamat. Tinulak naman niya ako papalayo sa kanya dahil nakakadiri raw kaya natawa nalang ako.

Napalingon ako sa may sofa, nandoon pa rin si Ehan at nginitan niya ako nang magtama ang paningin namin. Nilapitan ko naman siya at halos buong hapon ay di na kami mapaghiwalay.

I want to stay with you when the sun rises, until the sun sets happily

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon