“Wala ka bang sakit tulad ng ubo, sipon o ano ba man?”tanong ng doktora kaya naman umiling ako.

“Hindi ka naman siguro nagpuyat nitong nakaraan ano?”tanong ulit ni Doktora, Peste bakit ba ang daming tanong? My sister is dying tapos ang dami pang tanong?!

“Hindi po so pwede po akong magdonate?”natatarantang sabi ko at tinapik naman ako ni Jaiden na kalmadong-kalmadong sa gilid ko.

“Well you can donate if you’re not pregnant, Bawal kasi yun sa patakaran ng red cross iyon.”sabi ni Doktora at agad namang kumunot ang noo ko.

“Hindi po ako buntis.”madiin na sabi ko sa Doktora dahil bigla kong naaasar sa tono niya leche siya sapatusin ko siya eh.

“Doc yung blood type po ng patient is O.”sabi nung nurse agad naman akong napatigil, Hindi ako O dahil positive A ang dugo ko.

“I can’t donate, Positive A ako.”sabi ko at narinig ko ang pagngisi ni Jaiden kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

“Doc kailangan na po natin ng dugo.”sabi nung nurse leche naman! Kanina nagmamadali ako tapos parang sandali lang ang tipo nung Doktora ngayon naman peste!

“Well I can’t donate a blood to my sister! May Blood bank naman di ba? I am sure may dugo kayo dito.”sabi ko at napahilamos na ko ng mukha ko sa kabagalan ng Hospital na ito. Agad naman silang napatango, Naupo na lang ako sa isa sa mga upuan sa hallway at ginulo ang buhok ko. Coraline bakit ka ba kasi naglaslas?! Kung pwede ako ibibigay ko na sa iyo ang lahat ng dugo ko kaso leche hindi tayo nag-matched ng blood!

“Kadugo pala talaga kita, I am positive A same as Dad and Grandpa.”rinig kong sabi ni Jaiden at napapikit na lang ako sa pag-aalala kay Coraline. Tumayo na ko ng makaramdam ako ng pagikot ng tiyan ko hindi pa pala ako kumakain.

“Jaiden bumili ka naman ng pagkain please? Nagugutom na ko.”sabi ko kay Jaiden at tumango na lang siya, Pagkaalis niya pumunta kong Emergency Room para tignan si Coraline.

“She’s stable now, Kailangan na lang niyang magpahinga.”nakangiting sabi ni Doktora kaya naman ngumiti ako.

“Thank you po Doc.”sabi ko at umupo ako sa tabi ni Shiela na nakatitig kay Coraline.

“Parang kapatid ko na rin si Coraline kaya siguro ganito na lang ako nag-alala kanina, Buti na lang okay na siya. Ano bang nangyari?”tanong ni Shiela, Umiling naman ako dahil hindi ko alam kung anong meron. Kung bakit siya naglaslas hindi ko alam, Ayos naman siya nitong nakaraan at masaya naman siya.. Masaya nga ba talaga siya?

“So kamusta ang confrontation mo sa Dad mo?”tanong ni Shiela agad naman akong ngumiti ng mapait.

“They are not my real parents, Hindi ako Hernandez.”sabi ko kay Shiela at agad niya kong yinakap, Ayan umiiyak na naman tuloy ako.

“Ibig sabihin hindi ka anak ni Tita Amelia and Tito Cornell?”tanong ni Shiela and I nodded habang magkayakap pa rin kaming dalawa ni Shiela.

“My real mother’s name is Brenda Fuentabella, Shiela i am a Fuentabella. Jaiden Fuentabella is my cousin.”sabi ko kay Shiela at kumalas kami sa yakap.

“Kaya pala hawig kayo ni Mr. Fuentabella.”sabi ni Shiela at napatango naman ako kay Shiela, Napatingin kami kay Coraline na nakadilat na at nakatingin sa amin. Nilapitan ko agad si Coraline.

“A-Ate..”naiiyak na sabi ni Coraline at agad ko naman siyang yinakap. Yung kaninang hindi mapanatag na kalooban ko, Napanatag dahil kay Coraline.

My Guy (series)Where stories live. Discover now