Special Chapter (Cornell's Side)

Start from the beginning
                                    

Napatakbo ako sa kwarto ni Brenda ng makarinig ako ng sigawan sa itaas at doon naabutan ko si Brenda at Amelia na nag-aagawan sa kutsilyo. 

 

“Bren! Stop it!”sigaw ni Amelia habang nakikipag-agawan ng kutsilyo kay Brenda kaya bago pa man may masaksak sa kanilang dalawa ay ako na ang kumuha ng kutsilyo, Hinagis ko iyon sa lapag at napa-upo naman ang depress na depress na si Brenda.

 

“I am hopeless, I am really hopeless.”bulong ni Brenda habang umiiyak, Pumamewang naman si Amelia.

“You’re really hopeless Bren! Bakit mo naisip ang magpakamatay? Paano na ang baby sa sinapupunan mo?!”galit na sigaw ni Amelia kay Brenda pero agad ding nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Brenda.

 

“I am not pregnant! I don’t have a baby! Hindi! Walang bunga! Hindi nagbunga!”sigaw ni Brenda at nagwawala na naman siya, Napapaiyak na si Amelia kaya naman agad kong nilapitan si Brenda at yinakap.

 

“Cornell! Wala naman di ba? Hindi naman nagbunga yung pangba-baboy niya sa akin di ba?”nagmamakaawang sabi ni Brenda sa akin habang yakap ko siya, Naririnig ko ang paghikbi ni Amelia at ang paghagulgol ni Brenda.

“Brenda.”tawag ko sa kanya at napahagulgol siya lalo, Yinakap ko siya ng mahigpit. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Galit, Lungkot, Awa at Sakit dahil yung babaeng mahal na mahal ko ni-rape ng isang walanghiya. Ni hindi ko man lang siya nagawang ipagtanggol dahil wala ako nung oras na na-rape siya, Ni hindi ko man lang nagawang protektahan yung taong mahal ko at bakit si Brenda pa? Bakit yung babaeng mahal ko pa? 

 

“G-gusto ko ng mamatay Cornell, Gusto ko ng mamatay! Tinaboy ako ng parents ko dahil sa pesteng batang ito! Gusto ko ng mamatay!”sigaw ni Brenda habang umiiyak, Yinakap naman ni Amelia si Brenda na yakap ko. 

 

“Bren nandito pa kami, Ayokong mamatay ka. Paano na ko kapag nawala ka? Saka please naman wag mong idamay yung bata!”hikbi sa kanya ni Amelia, Napatango naman ako sa sinabi ni Amelia.

 

“Nandito pa kami ni Amelia, Brenda. Never ever do that again.”bulong ko kay Brenda at tumulo ang luha sa mga mata ko. Agad ko namang hinalikan ang buhok ni Brenda at hinaplos iyon, I love you Brenda and I will never stop loving you kahit na may lumot na ang pagkatao mo.

=======
=======
 

“Cornell wake up.”rinig kong tawag sa akin ni Kristelle, Agad na nagising ang diwa ko ng marinig ko ang boses niya kaya naman napadilat ako. Napunta ang tingin ko sa Dinning Area at nandoon na si Laura naka-upo habang inaantay ako para makakain na kaming tatlo.

“Gutom na kami ni Laura.”sabi sa akin ni Kristelle at hinalikan ako sa pisngi, Agad naman akong tumayo at sabay kaming naglakad ni Kristelle sa Dinning Area ng holding hands. 

“Ang sweet niyo talagang dalawa ate, Kabog na kabog niyo ang pinaka-sikat na Loveteam.”sabi ni Laura at pinalo siya ni Kristelle dahil sa sobrang OA ni Laura. 

“So Laura, How’s your business?”tanong ko kay Laura, She told me she’s managing a Bar owned by her boyfriend. 

“It’s okay, Kuya. Every night laging may Costumers kaya malakas ang kita.”sabi ni Laura, Disente naman daw yung Bar na pinagtatrabahuhan niya kaya wala kaming problema ni Kristelle since wala namang mga babaeng malalaswa kung sumayaw doon sa Bar. Well may mga babaeng sumasayaw pero sa Dance Floor naman iyon with their partners and friends nakapunta na kami ni Kristelle dahil binisita namin si Laura and her boyfriend named Finn. 

“Tomorrow is Saturday Cornell, Bukas mo na sasabihin kay Cornelia ang katotohanan na isa siyang Fuentabella.”sabi ni Kristelle napatigil naman kami sa pagkain ni Laura dahil sa sinabi ni Kristelle.

“What? I am telling the truth besides may karapatang malaman si Cornelia tungkol sa pamilya niya, You can never hide it Cornell and you won’t hide it.”dagdag pa ni Kristelle at hinawakan ang kamay ko, Napangiti na lang ako. I never thought that this day will come, I never thought that one day i will tell Cornelia everything.

______________________________________

Cornell Hernandez and Kristelle Chua at the multimedia guys! Biggest Twist Soon..

~Cynthia

My Guy (series)Where stories live. Discover now