Chapter 55

123K 1.4K 92
                                    

Chapter Fifty-Five



Elle's POV

Umaga na naman at nauna akong gumising. Nakayakap pa si Lance sa akin.

Dahan dahan ko namang inalis ang yakap nito saka nagsuot ng robe at lumabas.

Sinilip ko naman si Sammy saka bumaba.

Ako nalang magp-prepare ng breakfast sa kanila.

5am palang at tulog pa sila Manang.

Nagprepare ako ng toast bread, egg and bacon, nagsaing na rin ako in case na gusto nila.

Halos mag-iisang buwan na rin ang nakalilipas nang maging 'girlfriend' ako ni Lance. We really take it step by step. Sobrang saya ng mga nagdaang lingo sa amin. Sana ay ganito na talaga palagi.

Kapapatay ko lang ng stove nang may yumakap mula sa likod ko.

"Good morning, love." Bati ni Lance. Humarap naman ako rito saka hinalikan ang baba nito.

"Good morning rin..."

"Bakit baba ko lang ang may kiss?" kunot noo nito.

"Baho mo pa eh.." sabi ko rito pero binibiro ko lang naman ito.

"Anong mabaho, nagtoothbrush na kaya ako bago ako bumaba." Sabi ko sa kanya.

Tinawanan ko lang ito.

"Mabaho pala ah..." sabi niya saka ako inumpisahang kilitiin.

"Lance! Tumigil ka nga." Tawang tawa kong saway sa kanya.

"Hindi, sabi mo mabaho ako eh." Ilang Segundo pa bago ako nito tinigilan.

Hingal na hingal akong humarap rito.

"Kainis ka talaga! Alam mong madali lang ako makiliti eh." Hampas ko rito.

"Alam ko naman talaga kung saan ang kiliti mo." Kindat pa nito saka yumakap ulit.

Clingy naman nito masyado.

"Bakit naman bumangon ka kaagad, akala ko may morning session pa eh." Nakalabing sabi nito.

Hinampas ko naman ang bibig nito.

Mamaya marinig pa ng mga kasama naming sa bahay.

"Ang baboy mo..." sabi ko saka tinimplahan siya ng coffee.

Tumawa naman ito saka dumikit dikit na naman sa akin.

Hindi ganito dati si Lance, tamang sweet lang naman ito pero ngayon parang big version na siya ni Sammy. Sobrang lambing.

Habang hinihintay naman si Sammy ay nag-open naman ako ng topic rito.

"Ano na ang balita sa Jasmine mo?" nang-aasar na tanong ko rito. Wala na rin naman akong sama ng loob kaya I think we have to talk about that girl lalo na at buntis ito at si Lance RAW ang ama.

"Stop it. Mamaya awayin mo pa ako sa katatanong mo. Alam mo pa naman kayong mga babae masyado niyo kaming ina-underspell sa kakatanong niyo tapos pag sinagot naming kayo magagalit pa rin kayo." Mahabang litanya niya na ikinatawa ko.

"Lance, no worries. Promise. Syempre we have to talk about her. Nakausap mo na ba siya?" tanong ko rito. Tila nakikiramdam naman ito if sasagutin niya ba o hindi.

"Lance, it's okay..." natatawang sita ko rito.

"Okay..okay...Hindi ko pa siya nakakausap mula nung last time na pumunta ako sa kanya. May nasabi kasi ako sa kanya na ikinagalit nito kaya siguro sumugod 'yun dito." Sabi niya.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon