"Mag-ingat kayo sa pagpunta sa Chapel ah, CJ ikaw na bahala kay Coraline i trust you."sabi ko kay CJ at inakbayan niya si Coraline. I know this sounds so crazy, CJ is the younger brother of TJ who's my mom's other guy. Hindi kaya awkward yun kapag nalaman ni Coraline ang bestfriend niya kuya ang kabit ng nanay namin?

"Ako na pong bahala sa kanya Ate Cornelia, Iuuwi ko po siya ng buo walang kulang."sabi ni CJ at napatingin ako sa dalawa pang tao na magka-holding hands which is si Alexa at Jairus.

"Una na po kami."sabi ni Jairus at lumabas na sila ng Unit namin, Napag-alaman kong dito rin sa A towers nakatira si Jairus at Alexa. Alexa is with her Nanny while Jairus is with his Brother.

Pagkalabas nila pumunta ko sa living room at tinapos ang trabaho ko, Inuwi ko ang trabaho ko para marami akong libreng oras. Wala pang isang oras ay tumunog ang phone ko kaya naman agad kong sinagot hindi ko na tinignan ang caller dahil busy ako.

"Hello."sagot ko at inipit sa pagitan ng tenga at balikat ko ang phone ko.

"Gising ka pa?"napatigil ako sa ginagawa ko at hinawakan ko ang phone ko. Inayos ko ang sarili ko pati na rin ang boses ko. Pinipigilan ko ang sarili ko na wag sumabog sa kanya like the usual i do, I remind myself that i am inlove with him.

"Tinatapos ko ang suit ni Jason, Eh ikaw gising ka pa?"sagot ko sa kanya at sumandal ako sa may couch habang naka-upo ako sa carpet.

"May tinatapos rin akong paper works dito sa Office para wala akong problema pagdating Holiday."sabi naman niya, Napa-smirk ako. It's late in the morning and he called me? Nahuhulog na nga ang loko sa patibong.

 "Well why did you call me this late at night? Para kamustahin kung tulog na ko? Did you want me to go there and bring you some coffee?"sabi ko sa kanya and i heard him chuckled, Kung sa tingin niya i am being sweet to him pwes para sa akin landian lang ito.

"No thanks i just called you kung gising ka kasi ngayon nga ang start ng Misa de Gallo."he said in the other line, Napa-"ah" naman ako. I am not interested and i am a bit sleepy.

"Hindi ako pumunta dahil nga busy ako pero si Coraline nagsimba."sabi ko kay TJ and paano ko magsisimba at haharap sa poong maykapal kung may galit ako sa puso ko? Di ba sabi nila na ang pasko ay ang araw ng pagbibigayan at pagpapatawaran? Hindi ko magagawang patawarin si TJ dahil sobrang sakit ng ginawa niya sa pamilya ko.

"You want to come over? Dito mo na tapusin yang workloads mo baka matulungan pa kita."sabi ko sa kanya at i heard someone snooring from the other line.

"Are you asleep?"tanong ko, Leche don't tell me tinulugan ako ng loko? Psh! Napatawa na lang ako at nag-smirk.

"Goodnight Prince, Sweet Dreams."bangungutin ka sana. At saka ko pinatay ang phone ko, Walangya tinulugan ako ng gago, Tinawagan ako para tulugan? Galing niya lang talagang mang-inis. Ibinaba ko sa gilid ang phone ko at tinapos ang trabaho ko.

My Guy (series)Where stories live. Discover now