Pumunta ako sa ref at nang may makitang loaf ng bread ay kinuha ko yun at ibigay sa multo. Nagningning ang kanyang mga mata. “Salamat!” Aniya at biglang naglaho. Ngunit ilang segundo lang ay bumalik ito.


“May nakalimutan pala akong sabihin, magbihis ka ng maganda mamaya ah.” Aniya at biglang nawala nanaman. Eh? Bakit pa? Ano bang meron mamaya?


Umakyat na ako ng hagdan saka dumiretso sa kwarto ko, napatingin ako sa relos ko. Mag aalas siyete palang pala. Naupo ako sa kama at nahiga. Kinakabahan ako sa posibleng mangyare mamaya.


***

Psst..”

“Uy, Jell?”

“Uyy..”


“Hmm..” Bahagya akong napagalaw dahil sa sakit ng braso ko. Nahigaan ko kasi. Pinunasan ko ang gilid ng pisngi ko dahil sa pakiramdam na medyo may basa.


“Uyy Jell!” Agad akong napamulat nang biglang may tumawag sa pamgalan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa gulat at kaba. Halos humiwalay na ang puso ko sa katawan e.



Napabagon ako upang hanapin ang tumatawag. Nasa bintana si Ehan, naka de kwatro pa. Taeng to, ginulat ako. “Ano?” Takang tanong ko nang kumunot ang noo niya sa akin.



“Alas onse na, di ka pa ba maghahanda?” Aniya. Maghahanda? Para saan ano meron? Bakit kelangang— agad akong napatakip ng bibig ko. Tama pala! Nakalimutan kong lalabas kami ngayong alas dose. Bakit kasi alas dose pa? Humanda talaga siya sa akin pag di niya ako naihatid sa amin ng maayos at ligtas.




Dali-dali akong tumayo at pumunta ako sa closet ko para kumuha ng mga damit. Isang short na denim at puting crop top lang ang kinuha ko, nagdala narin ako ng jacket baka sakaling lamigin ako.


Mabilis akong tumakbo patungong banyo.

“Tsk. Tsk.” Kunot noo pa niyang singhal sa akin. Eh kasi naman eh, di niya ako ginising. Yan tuloy.



Pagkalabas ko sa banyo, ay masamang tingin ang ipinukol ni Ehan sa akin. “Bakit?” Takang tanong ko pa. Umiiling ito. “Palitan mo nga yang suot mo.” Aniya.

Tinignan ko naman ang suot ko. Anong mali dito? Ayos naman nito ah? “Okay naman to? Ba’t papalitan ko pa?” Tanong ko pa. Naglakad ito papalapit sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko at iniharap sa closet saka itinulak papalapit doon. Huwaw lang ah?


“Oo na. Papalitan na.” Inis ko pang sabi. Isang over sized t-shirt tsaka high waist pants ang pinili ko. Bahala nga siya jan. Bumalik ako sa banyo upang makapagbihis at nung okay na ay lumabas ako.

“Okay na?” Saad ko saka sarkastikong ngumisi. Tinignan niya ako ng maigi saka unti-unting tumango. “Better. You look, prettier.” Aniya. Napaiwas naman ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay umiinit ang pisngi ko.



Pumunta ako sa salamin at nag ayos ng kaonti. Nagsuklay na rin ako dahil buhaghag pa ang buhok ko. “Dali na, mahuhuli na tayo e. Wag ka nang mag ayos, maganda ka na kahit bagong gising ka pa.” Aniya at hinawakan ang braso ko upang hilain palabas. Napatingin ako sa relo ko. Alas onse y media pa lang naman ah? Nag mamadali? Tsk.




Dahan dahan kong isinara ang pinto ng kwarto ko upang hindi magising sila mama. Nakapatay na ang ilaw kaya inilabas ko ang selpon ko upang magsilbing ilaw ang flashlight nito. “Bilisan mo.” Ani Ehan. “Eto na nga oh, easy lang pwede? Tsk.” Pabulong kong sabi. Mahirap na baka mahuli ako ni mama at tanungin pa kung asan ako pupunta na samantalang, hindi ko rin naman alam kung saan.


Nang makalabas na kami sa bahay ay sumunod lang ako kay Ehan dahil di naman niya sinasabi kung saan talaga kami ngayon.

Tahimik na ang kalsada dahil malamang sa malamang ay tulog na ang mga tao. Pero may iilang bahay pa rin naman ang may ilaw pa. Buti nalang din sa paglalakad namin ay maliwanag ang daanan dahil sa posteng—ooppss. Biglang namatay ang ilaw.


Nakaramdam ako ng kamay na humawak sa akin, sisigaw na sana ako ngunit di ko naituloy nang magsalita si Ehan. “Ako lang ito.” Aniya. Teka, ba't parang kinakabahan ako? Ba't parang pakiramdam ko ay hindi magiging maayos ang gabing ito.


Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at agad na binuksan ang flashlight nito. Hawak ng isang kamay ko ang cellphone at sa kabila naman ay ang malamig na kamay ni Ehan. “Wag kang bibitaw ah.” Aniya. Lumalakas na ang kabog sa dibdib ko. Bakit pa kasi gantong oras pa kami lumabas?


“Shit” Rinig kong mura ni Ehan. Kasabay nun ay ang pagkawala ng kamay niya sa akin saka isang malakas na hampas sa batok ko ang naramdaman ko, at unti-unting nagdilim ng tuluyan ang paningin ko.



“Jell!”


Ehan? Nasaan ka? Tulungan mo ko.

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon