“Multuhin ko kaya yon?.” Inis pang singhal ni Ehan sa likod. “Bago yun, isipin mo muna kung saan tayo pupunta. Sayang sa gasolina.” Sabi ko pa sa sarkastikong tono. “Ah, Sa sementeryo muna kaya?.” Suhestyon niya. Kungsabagay, di ko naman tuluyang nalibot ang buong sementeryo noon dahil sa tinulungan kong matanda. Teka, kumusta na kaya iyon?

“Magandang ideya.” Pagsang-ayon ko pa. Nauna kami sa pinakamalapit na sementeryo. Dun sa maraming chismoso. Nandun pa kaya sila? Tsk. Sana tumawid na.

Ipinarada ko ang scooter ko, at kinuha ko ang kadena at kandado para ilock ito sa may isang pole sa gilid ng pinarkingan ko. Mahirap na, talamak na ang magnanakaw ngayon kaya kinakailangang mag-ingat.

Papasok na sana ako ng sementeryo ngunit nabigla ako nang hinawakan ako ni Ehan sa braso. “Please, ingatan mo ang sarili mo. Nandito ako pero kailan mong mag-ingat lalo pa’t maraming multo jan. Di natin alam kung mabubuti ba o hindi.” Natahimik ako sa sinserong pag sabi niyang yun. Nginitian ko naman siya. “Yakang-yaka ko yun!” Taas noo ko pang sabi. Umiling naman ito at sumimangot. “Di mo nga kaya yung multo sa school niyo eh.” Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman yun? Nagkita ba sila? Di naman kami magkasama ni Ehan tuwing nasasalubong ko yun eh.

“Teka, paanong?..” Di ko magawang tapusin ang sasabihin ko dahil sa pagtataka. Ngumiti lang ito “Basta..” At hinila na niya ako papasok na punong-puno ng tanong sa sarili.

Hawak-hawak niya ang kamay ko habang naglalakad. Siguro kung krass ko lang to, kikiligin na ako eh. Buti nalang hindi. Tingin dito, tingin doon sa bawat nitso ang gawa namin na baka sakaling may ‘Ehan' kaming makita.

“Malapad ang sementeryong to, maghiwalay nalang kaya tayo? Para mabilis.” Suhestyon ko pa. Mas mabilis kasi kung dalawa kaming titingin sa magkaibang parte eh. “Hinde pwede.” Aniya. Napakunot naman ang noo ko.

“Bakit di pwede? Para mabilis tayo!” Pagpipilit ko pa. Huminto ito kaya bilang sumusunod sa kanya ay napahinto rin ako. Hinarap niya ako saka bumuntong hininga. “Pag maghihiwalay tayo, paglalaruan ka nila.” Aniya.

Kinilabutan naman ako saka inilibot ang tingin sa paligid. Andaming multong nakaupo sa mga nitso at pinagmamasdan kami. May kumaway pang isa. Kilabot. Tama si Ehan, tsaka di ako pwedeng mapa’no dito dahil baka tuluyan ng ipasara ni kuya ang koneksiyon ko kay Ehan ng mas maaga pa sa due date. Psh.

“Okay.” Pagsuko ko.

Kasalukuyan naming nililibot ang buong sementeryo. Nakakapagod. Out of nowhere ay bigla akong nadapa at sa kaswertehang palad ay aktibo si Ehan kaya dahil sa kanya di ako humalik sa lupa.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin, nakatingin lamang kami sa isa't isa. Teka, parang alam ko na to. Ah.

“Hikhikhik. Answeet.” Napaiwas ako ng tingin saka tuwid na tumayo nang may marinig akong hagikhikan sa gilid. Tinignan ko ang naging sanhi ng muntik ko ng pagkadapa at nakita kong may isang sanga ng kahoy ang hawak-hawak ng dalawang batang multo na tingin ko ay kambal pa?

Bwesit. Pinagtripan kami.

“O, Jin at Jan? Anong ginagawa niyo dito?.” Napakunot naman ako nang nilapitan ni Ehan ang mga bata. So kilala niya mga to?

“Girlfriend mo siya kuya?” Sabi nung isa. “Bagay po kayo.” Sabi naman nung isa. Mga nakabarong silang dalawa tsaka, grabe ah. Kinilabutan ako sa mga tanong nila? Mukha ba akong jowa ng multo? Psh.

“Kaibigan ko si ate niyo. May hinahanap lang kami.” Ani Ehan at ginulo ang buhok ng dalawang bata. “Nakikita niya rin po ba kami?.”Tanong nung isa. Magkamukhang magkamukha sila kaya di ko alam kung paano ko sila idedescribe eh.

“Oo eh. Mag ‘hi kayo.” Ani Ehan.

“Hi ate. Sana maging kayo.” Sabay pa nilang sabi. Aba, jusmeyo. Di pwede yun oy. Magmumukha akong tanga kung jojowa ako ng multo.

Alanganin akong ngumiti. “Ah eh. Hello.” Sabi ko pa with matching wave pa yan ah. “Sige ah. Mauuna na kami. Bye kiddos!” Paalam ni Ehan saka hinila ako ni Ehan palabas ng sementeryo. Buti nalang at halos nalibot na namin ang lahat bago kami tuluyang umalis.

“Kaibigan mo yung mga yun?.” Tanong ko pa habang inaalis ang kadena ng scooter ko.

“Hmm. Nakilala ko sila kahapon.” Taka naman akong napatingin sa kanya. Kahapon? Paano naman kaya? Akala ko nasa tambayan siya kahapon eh.

“Kahapon? Paano?” Tanong ko pa saka sumakay na. Tinap ko naman ang pwesto sa likuran ko senyas na para sumakay siya. “Mapaglaro ang mga batang yun kaya nakilala ko sila. May pinaglaruan kasi silang matanda habang dumadalaw dun, eh saktong napadaan ako kaya sinita ko sila.” Paliwanag niya pa. Tumango naman ako.

Pinaandar ko na ang scooter at pinaharurot ito. Saan nanaman kaya kami? “Ipunta mo sa park.” Napakunot naman ang noo ko. Park? Ano nanamang gagawin namin dun?

“Huh? Bakit?.” Takang tanong ko pa. “Basta.” Aniya. Sinunod ko na lang ang sinabi niya.

Ano kayang balak niya dun? Psh.

My Guardian Ghost (Completed)Where stories live. Discover now