Ewan ko ba bakit nagagandahan talaga ako sa palabas na'to. Bigla akong nakaramdam ng pananakit ng ulo. "Aah.." Usal ko pa habang hawak-hawak ang ulo ko. May mga imaheng lumabas sa utak ko. Ngunit malabo.

"Tol. Ba't puno ng P and F merch ang kwarto mo?."

"Trip ko lang."

Ano yun? Ba't parang pamilyar ang boses dun? Konektado ba yun sa akin? Napailing ako. Medyo kumikirot pa ang ulo ko ngunit unti unti na ring nawawala.

Nasa gitna ako ng panonood ng biglang bumagsak ng malakas ang pinto at bumungad sa akin ang nakabusangot na kuya ni Jell. Ano namang nangyari sa taong yan?

"Ano ba'to? Phineas and Ferb? Psh." Naupo ang kuya ni Jell at saktong natapat sa akin. Nakaramdam ako ng bigat. Hindi ako makaalis dahil nakadagan ang kuya ni Jell na mas gwapo pa ako sa kanya. Lintek. Kung di lang magagalit si Jell sa akin baka tinulak ko na to. Inilipat niya ang channel ng tv. Napunta ito sa Adventure time. Psh. Tanda niya na, nanonood pa ng ganito?

Di rin nagtagal ay palipat-lipat na ang channel at nakakahilo na. Bigla niya ito pinatay saka sinabunutan ang sarili. Ilang bilog na katol ba ang hinithit nito at nagkakaganyan? Sinipa ko na nga. Mag sosorry nalang ako sa kanya pag nakikita na niya ako.

"Ano yun?." React pa niya. Tumayo na ako at iniwan ko na siya dun. Bahala nga siya. Nagmumukha siyang tanga eh.

Jhalle's PoV

Kakatapos lang namin maglaro ng basketball ng barkada ko. Nakakasawa na kasi kung Dota lagi eh. Kelangan rin naman naming magpapawis. Nagpaalam na ako na mauuna na ako dahil bukod sa ginugutom ako ay nauuhaw na rin ako.

Wala kasi akong dalang tubig kaya dumaan nalang muna ako kila Aling Koring. Dito ang tambayan namin ng barkada pagtapos ng game sa basketball dahil may mga meryenda na masasarap.

"O iho, ikaw lang ata mag-isa ngayon ah?." Bungad niya pa nung makita niya akong dumating. "Ah. May pupuntahan pa raw kasi sila eh. Di na po ako sumama." Sabi ko pa. Kilala na kami dito ni Aling Koring dahil suki kami ng mga paninda niya eh.

"Anong gusto mo ba?." Tanong niya pa. Na ang tinutukoy ay kung anong kakainin ko. "Yung Cheesecake tatlo po nun tsaka coke nalang po." Saad ko pa. Ngumiti naman ito bilang response. Inilabas ko ang cellphone ko at sandaling nagfacebook habang naghihintay. Dami talagang nag fi-friend request sa akin oh. Hirap maging pogi

Ilang minuto lang ay dumating na ang order ko. "Eto na yung sa inyo." Pamilyar ang boses na yun kaya napaangat ang tingin ko. "Anong ginagawa mo dito?." Tanong ko pa. Kaibigan ni Jell yung nandito. Anong ginagawa niya dito? Sinusundan ba ako ne'to?

"Hinatid yung inorder mo." Aniya. Napapikit naman ako. Psh. Pilosopo. Ewan ko ba kung bakit ang init ng ulo ko sa kanya. Siguro dahil nung una ko tong nakita ay sinukahan niya ang jersey ko.

Pauwi kami nun ng barkada ko galing sa laro at nakasulubong ko sila kasama yung isang babae at isang lalaki. Pagewang-gewang siya at sa hindi inaasahan nung magkakasalubong na kami ay saktong naibuga niya ang suka niya sa akin. Ewan ko lang kung naaalala niya yun kasi nung nakita ko sila ni Jell sa canteen ng school ay parang di niya ako naaalala eh o mali lang ako?

Ah basta. Badtrip ako sa babaeng umiinom.

"Sinusundan mo ba ako?." Tanong ko pa habang nakakunot ang noo. "Wag kang feeling. Di ka gwapo at kasunod-sunod." Aniya at tinalikuran na ako. Lang'yang babae yun ah? Agad kong inubos ang kinain saka nagbayad at tuluyan ng umuwi. Nakakabwiset talaga.

Nakakawalang gana.

Pagkauwi ko ay nadatnan ko ang tv na umaandar. Psh. Si Jell talaga kahit kelan. Saktong yung pinakakinaiinisan ko pa ang palabas. Isang triyanggulong ulo. Posible ba yun? Hayst.

Kinuha ko ang remote saka naupo at inilipat ang channel. Nahinto sa Adventure Time. Pinanood ko ito at nung pumasok sa utak ko ang nangyari kanina ay nagpalipat-lipat na ako saka napa sambunot. Kumukulo ang dugo eh. Ba't parang sasabog ako sa inis? Nagulat ako nang biglang nahulog ako sa sahig. "Ano yun?.." Usal ko pa. Maayos naman ang upo ko ah? Anong nangyari?

Tumayo ako at pinatay ang tv saka dumiretso na sa kwarto. Matutulog nalang ako. Bahala na nga.

Jell's PoV

Nakahiga na ako sa kama ko habang si Ehan naman ay nakaupo sa study table. Medyo napagod ako sa paghahanap sa kanya ah? Nagkwentuhan kami kanina nung umakyat siya tungko sa naging buhay niya nung winalk outan niya ako.

Nalaman kong sa mall siya natutulog at napakasosyaleng ng life niya dun ah? Wala nga lang kain. Kawawa naman. Lalayas layas pa kasi eh.

Gumaan na ang pakiramdam ko dahil okay na ulit kami. Napagtanto kong masyadong harsh talaga yung nasabi ko sa kanya kaya kanina lang ay dineklara ko na, na kaibigan ko na siya.

"Ehan?.." Pagtawag ko pa ng atensyon sa kanya. Nagbabasa kasi siya ng mga libro kong pinamili. "Hmm?.." Usal niya pa. "Di ba ang magkaibigan nagtutulungan?." Saad ko. Napatingin naman siya sa akin. Bakas ang pagtataka sa mga mata niya. "Oo naman. Bakit?." Takang tanong niya pa. Ngumiti ako bago nagsalita.

"Tutulungan na kitang mahanap ang sarili mo. Bukas.. bukas tayo magsisimula."

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon