Chapter 23 Recess Date Together

Start bij het begin
                                    

"Hindi nga. Pero muntik na. Kung hindi pa ako dumating, baka nagtutukaan na kayo dun.",sabi nya.

"Seam! Ang pangit ng term.",sabi ni Mommy.

Napangiwi si kuya. Haha. Nakwento ko na kasi kay Mommy yun. Na muntik na akong halikan ni Bryan. Badtrip lang talaga si kuya.

"Boyfriend ko naman si Bryan ah. Magalit ka kung lalaki lang yun sa tabi-tabi.",sabi ko.

"Ewan ko sayo Abby. Ew kayo.",sabi nya.

"Maka-ew 'to akala mo hindi pa nakahalik ng babae."

"Tss.",sabi ni kuya tapos umakyat na sya sa taas. Kami naman ni Mommy, patuloy sa kwentuhan.

~*~

Nakahiga na ako sa kama ngayon. Kaso, hindi pa ako inaantok. Kasama ko lang din si Bryab kanina pero, namimiss ko na sya. Agad-agad.

Kinuha ko yung phone ko at nagtype ng message.

To: Sungit

Sungit! Gising ka pa ba?

Inintay ko syang magreply. Sana naman gising pa sya. Sana din magreply sya. Wag naman nya sana akong isna---

Agad kong iniangat ang phone ko nang marinig ko yung tumunog.

1 message from Sungit

Napangiti ako at binuksan yung message nya.

From: Sungit ❤

Yep. Ikaw, bakit gising ka pa?

Agad akong nagtype ng message.

To: Sungit

Di ako makatulog. Ayaw mo pa kasing umalis.

Nakakamangha dahil wala pang ten seconds, may reply na sya agad.

Sungit ❤:

What? Kanina pa akong nakaalis Abby.

Ako:

Ayaw mong umalis sa isip ko. Sungit patulugin mo naman ako!

Ang corny ko noh? Pero okay lang. Nag-eenjoy naman ako sa mga pinaggagagawa ko. Paano kaya sya magrireact?

Napatingin ako ulit sa phone ko nang tumunog yun. Binuksan ko agad yung message ni Sungit.

Sungit ❤:

Enough Abby. Matulog ka na. Good night.

Hala yun lang?! Enough?! Ibig sabihin, ayaw na nya akong katext? Ang sama naman nya. Bakit sya ganun?

Bahala sya sa buhay nya. Nakakainis sya. Napabuntong-hininga ako at ibinaba na yung phone ko at nagtalkubong. Bigla-bigla naman yung tumunog ulit.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu