Close kami kahit adik siya. No choice ako eh,  kuya kasi. Humiga muna ito sa kama ko at masyadong maganda ang pagkakasira niya sa kakaligpit ko lang na mga unan at kumot. Tinakpan niya ang kanyang mata gamit ang kanyang braso, mukhang may balak pa yatang umidlip eh.

“Ang gwapo ng kuya mo ah.”  Rinig ko pang sabi nung multo. Nanlaki ang mata ko at otomatikong nilingon siya. “Putcha! Bakla ka ba?!” Sigaw ko pa dahilan para mapabangon si kuya. Oo nga pala! Nandito siya. Napasapo ako sa noo ko.

“Si-sinong bakla Jell?” Ani Kuya. Mukha siyang natatakot na parang natatae na ewan. “Wa-wala. Tara labas na tayo.” Saad ko pa at hinawakan sa braso si kuya para lumabas na.

Bago ko isira ng tuluyan ang pinto ay nag 'one final glare ako sa multo. Kinindatan niya lang ako na parang nangiinis. Bwiset siya!

Tahimik kaming bumaba sa hagdan hanggang sa makarating kami sa kusina. Nakahanda na ang lahat at nakaupo na rin si Mama. Lagot ako neto sa kanya!

“Good morning Ma.” Saad ko pa. Sabado ngayon kaya walang pasok, di pa rin ako nakaligo kanina dahil kinatok na ako ni kuya. Pati pagtoothbrush nga di ko nagawa, yaks. Pero mabango naman ako eh, kaya walang kaso.

“Saan ka naggaling kagabi?” Tanong ni Mama sa akin. Napalunok ako, hindi pwedeng malaman ni Mama kung nasaan ako kagabi dahil tiyak! Patay ako sa kanya.

Alam ni Mama na may kakayahan akong makipagkumunika sa mga multo at ayaw niya to kaya sinubukan niya itong ipasara sa eksperto ngunit hindi ito nagtagumpay.

“Bumili po ako ng Ice cream ni Kuya. Inutusan niya pa po kasi ako.” Saad ko pa at napayuko. Ramdam ko ang talim na tingin ni kuya at ilang saglit pa ay sinipa niya ako sa ilalim ng mesa, agad ko siyang tinignan ng masama bago ko siya sinipa. Ha! Akala niya ah.

“Tama na'ng sipaan. Kumain na tayo” Ani Mama kaya nagdasal muna kami bago tuluyang kumain.

Sa hapag, talagang di nawawala ang kwentuhan naming pamilya, nakagawian na namin yun.

“Ikaw Jhalle, Bakit mo naman inutusan yang kapatid mo na gabing-gabi na?” Sermon ni mama kay kuya kaya napangiti ako. Saved by the Ice cream, phew. “..eh alam mo namang lampa yan eh. Kita mo ang katawan niya? Mukhang, isang ubo nalang yata yan eh. Sakto naman ang pakain, tsk tsk tsk tsk.” Huwaw! Just huwaw! Agad akong napalingon kay mama.

“Grabe Ma? Ako? Isang ubo? Yan ang bagong sexy Ma. S.E.X.Y, seksi”. Iiling iling ko pang sabi. Close kami magbubuong pamilya, na para bang magkaibigan na. Pero we know naman our limits. Di sila masyadong strikto, pero di rin sila kunsintidor at yun ang gusto ko sa kanila.

“Kaya nga nakonsensiya ako Ma eh, nung natagalan siya.. nag aalala ako kasi akala ko, nilipad siya ng hangin.” Saad ni kuya na umasta pang tila nalulungkot at naiiyak.

Tinap naman ni Mama, ang balikat ni kuya. “Hayst, buti nalang talaga at mabibigat na sapatos ang binibili ko sa kanya ano? Para kahit malakas ang hangin, mananatili pa rin siyang nakatayo at hindi madadala.” Ani Mama sa malungkot na tono.

Ngunit ilang sandali pa ay humagalpak na sila sa tawa. Pinagtulungan ako nila eh, napailing ako. Pasalamat sila at nasa Thailand si Papa ngayon for business, kundi naku! Panis sila sa amin.

“Tss. ” Singhal ko nalang saka nakitawa. Wala eh, talo ako.

Habang nasa gitna kami ng pagkain, ay biglang may kumalabit sa akin at walang iba kundi siya ay si pasaway na multong mangungupit ng libro.

Binigyan ko siya ng nagtatakang look, “Pengeng pagkain.” Aniya, nagtaka naman ako lalo sa sinabi niya. Paano yun? Paano sila kumakain? Eh diba multo siya?

Nahalata naman siguro niya na nagtaka ako sa sinabi niya kaya nagsalita siyang muli. “Kumakain rin kami noh. Multo lang kami pero di kami manhid kaya nakakaramdam rin ng gutom.. kung paano kami kakain simple lang, ibigay mo lang mismo sa amin ang pagkain o offer sa tombs namin.” Aniya.

Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya at nakita kong nagtaka si Mama sa akin dahilan para tanungin niya ako.

“Bakit? Di ba masarap?..” Ani Mama, umiling ako at ngumiti. “Masarap po ah!” Sagot ko pa. Tumango si Mama at nagpatuloy sa pagkain. Nung napadaan ang tingin ko kay kuya ay kunot noo itong napatingin sa akin saka umiling bago nagpatuloy sa pagkain. Adik lang?

Napalingon sa katabi kong upuan kung saan naupo yung pasaway na multo ngunit wala na siya. Asan na yun?

Kumakain din pala ang mga multo? Teka, Gutom na kaya yun?



#Waley

Uhm, sa nakaalam ng old story na to, Keep it nalang po sana sa memories niyo. Di ko na po yun iuulit dito for some reasons although may mga part pa rin namang magkakapareha ang old and new. Hihi. Kamsahamnidaaaa ❤

My Guardian Ghost (Completed)Where stories live. Discover now