Ngumuso ang multo. Aba'y syet! Marunong palang magganon? Nginusuan ako? Putulin ko pa yan eh.

“Sungit naman neto. Makaalis na nga lang.” Aniya at nawala na nga siya. Parang usok na biglang mawawala. Ngunit di pa umabot ng isang minuto ay bumalik ito.

“Ay! May nalimutan ako. Pahiram netong libro ah. Bye.” Saad pa niya at sa ikalawang pagkakataon ay nawala ito.

“ANG LIBRO KO!” Sigaw ko pa. Peste na yun ah! Dadalaw na nga lang, mangungupit pa ng libro ko. How nice!

Napaupo ako sa kama ko, nag iisip.

Bakit ba andaming multo ang nagpakita sa akin ngayong araw?

Ano kayang meron? Hindi naman undas ngayon ah? Hay.

Atsaka paano nila nahahawakan ang isang bagay na samantalang multo sila?

Ang gulo.

Mag momovie marathon sana ako dahil wala naman akong pasok bukas ngunit nung napatingin ako sa orasan ay mag aalas onse na pala, hindi ako nagpupuyat dahil baka magkapimples pa ako kaya minabuti ko ng matulog. Bukas nalang ako magmomovie marathon.

Ilang saglit pang ang nakalipas at nagdilim na nga ang aking paningin saka tuluyan ng walang naririnig. Nakatulog ako.

~

Nagising ako sa liwanag na dumampi sa aking mukha, dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at inilibot ang paningin sa kabuoan ng kwarto at may nahagip akong isang nilalang na nakaupo sa study table ko.

Hindi ito si kuya.

Bumangon ako at naramdaman niya ata ito kaya nilingon niya ako.

Gising ka na pala?” Aniya. “Hindi. Kaya nga nakaupo ako diba?” Pabalang kong sagot. Nonsense naman yung tanong niya eh. Tsaka, bakit ba to nandito? Sinimulan ko nang ligpitin ang higaan ko dahil isa to sa nakaugalian ko at isa pa, kakain na rin kami makalipas ang ilan pang minuto.

“Sunget mo! Kaya nagmumukha kang singkwenta eh.” Napahinto ako sa pagliligpit at pinamewangan siya. Aba! Eh siya nga jan ang mukhang singkwenta eh.

“Aba aba! Ikaw nga jan, inaagnas na eh.” Saad ko at tumawa ng malakas habang umiiling saka ipinagpatuloy ang pagliligpit.

Naramdaman kong wala siyang kibo, ni hindi rin siya sumagot sa biro ko kaya nilingon ko siya.

Nakayuko.

Nakaramdam ako ng konting konsensya. Pakiramdam ko ay nasaktan siya sa sinabi ko.

“Uyy. Joke lang.” Saad ko at alanganing ngumiti.

Wala pa rin siyang kibo. Nanatili lang siyang nakayuko habang nakaupo.

“Eto naman, di na mabiro.” Sabi ko na parang nagsusuyo.

Teka lang nga,

Ba't ba parang sinusuyo ko siya? Wala namang mali sa sinasabi ko diba? Totoo naman yun eh kasi kaluluwa na siya? Kaya nga may words na "Truth hurts" diba? Kasi laging masakit ang katotohanan at masarap ang kasinungalingan?

Bahala nga siya jan, ang oa. Biro nga lang eh, ang biro dapat di sinesoryoso. Kaya nasasaktan eh. Ang biro kasi dapat biro lang. Hish. Ba't big deal sa akin yun?

Tahimik kaming pareho. Wala nagsasalita. Tanging hininga lang namin ang naririnig.

Katahimikang nakakabingi.

Nabasag lang ang katahimikan nung pumasok ang kuya kong trespasser, walang katok katok eh.

“Hoy. Unggoy, kain na.” Ani Kuya. Kabadtrip naman to oh, ang aga-aga nambibwesit. “Oo na. Labas na. Mas unggoy ka pa sa aking adik ka.” Sagot ko naman at inirapan siya. Di naman nagkakalayo ang edad namin ni Kuya Jhalle. Dalawang taong pagitan lang naman.

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon