With you

2.6K 62 12
                                    

Special 2

Nica’s POV

“You don’t love me anymore Kirk” humihikbing sabi ni Samantha.

Muntik na akong mapahagikhik sa drama ng bestfriend ko.

She is currently 3 months pregnant.

May kakaibang bisyo itong bestfriend ko simula ng magbuntis.

Gusto nitong maglaro.

Maglaro ng iba’t ibang sports habang buntis siya.

Imbes kasi magcrave ng food ang gagawin nya ay nagki-crave siya ng sports.

At ngayon ay nagdadramang hindi siya mahal ni Kirk dahil hindi siya pinayagang magskate-boarding.

“Babe you know I love you so much pero hindi talaga pwede baka kasi mapano ang baby ”, mahinahong sabi ni Kirk na hinihimas-himas pa ang humihikbing si Samantha.

Hindi ko alam na milya-milya pala ang pasensyang meron ang Prof na masungit.

“Talaga? Mahal mo ako? Kahit tataba ako kagaya ng pagtaba ni Nica noong nabuntis siya?”

Nak ng at nadamay pa talaga ang katabaan ko ng pinagbuntis ko si Brent.

“Oo naman kahit ikaw pa ang hahawak sa Guinness record na pinakamatabang babae sa buong mundo ay mamahalin pa rin kita.”, muntik na akong mapahagalpak sa banat ni Kirk pero hindi ko lang ginawa dahil nakita kong lumiwanag ang mukha ng lukaret ko na bestfriend saka hinalikan si Kirk sa labi.

“O tapos ka ng magtantrums Tabs?” nakangising pukaw ko sa dalawang muntik ng dumugin ng langgam.

Nakita kong napasimangot si Sam sa tawag ko sa kanya.

“You bully!” sabi nya sa akin.

“You Arte”sarap inisin nitong buntis.

“Umuwi ka na.”

“Hala pagkatapos mo akong tawagan na para bang manganganak ka na ay pauuwiin mo na ako agad-agad ng hindi man lang pinapakain?”

“Oh etong pera, kumain ka sa labas” sabi nya habang naghahalungkat sa wallet nya.

“Huh? Bakit ka pa gagastos e nagluto naman si Kirk kanina di ba? Kaya nga tinawagan mo ako kesyo inuna pa ni Kirk ang pagkain sa iyo, kesyo lalayas ka na dito kasi hindi ka na mahal ni Kirk tapos ngayon taboy na agad ang matatanggap ko?”, litanya ko sa kanya pero hindi ako galit.

My churchmate (Completed) with special chaptersOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz