4 (M.U. sila .......as in MisUnderstanding)

8.5K 76 14
                                    

4

          Kirks POV

          “Okay team five more rounds” mando ko sa mga ka teammates ko.

“Prof. yung totoo ano bang lalaruin natin basketball o triathlon” reklamo ni Keith.

Naintindihan ko naman kung bakit nagtanong ang mokong dahil pang15 rounds na namin sa pagtakbo.

Kasalanan din nila ang ipinapagawa ko sa kanila since 1 sa mga rules ko ay bawal malate during practice at kung may magkakamaling sumuway ay tiyak na pangtriathlon ang magiging training hindi lang ng taong na late kungdi ng buong team.

“Grabe ka Prof. para ka talagang robot at tila walang kapaguran idagdag mo pa ang pagiging sobrang strikto” reklamo ni JC sa kanya.

“I’m just giving my nickname in this team justice” sagot ko sa kanya.

Kung nagtataka kayo kung bakit Prof. ang tawag nila sa akin dahil simula daw ng pagiging captain ko ay parang nagiging military camp ang basketball court namin at mas terror pa ako sa mga Professors nila.

“ Okay team 5 minute break and will do a practice game” anunsyo ko.

“Captain” sabi ni Mike na lumapit sa akin, “narinig mo ba ang bagong balita tungkol sa tune up game natin this Friday?”

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mike. Bading yata ito at mahilig sa chismis.

“Hush MIkee boy, umandar na naman yang pagkachismoso mo” kantiyaw ni Keith.

“Anong tsismoso ka dyan, e diba ikaw ang nagkwento sa akin nito. Ikaw talaga pare tanga kung minsan” pang-aasar ni Mike.

“Ahhh yung sinabi ba ni Mommy” Keith.

Ang Mommy ni Keith ay ang assistant Director ng Sports Dept. namin dito sa AU.

“Sige sabihin mo na yang nakalap mong balita at buti na lang pala may pakinabang ka kung minsan” pang-aasar ko kay Mike. Ito kasi ang tinaguriang friendliest sa aming team in other words ito ang pinakaplayboy.

“Di ba annually pag may tune up game tayo ang sasalubong sa atin at ang mag-eestima sa atin ay ang kalaban natin but this year dahil sa mga nangyari ay napagpasyahan ng mga officials ng GFU na ang mag-eestima sa atin ay ang kanilang Women’s Volleyball Team” malapad ang ngiti na sabi ni Mikee.

“What???” awtomatikong tumaas ang kilay ko sa narinig.

“Hmmm interesting” biglang sabad ni Mico.

“What’s so interesting about it?” kunot noo kung tanong kay Mico. Isa kasi ito sa mga iilang ka teammates ko na matinong kausap.

“Pabor kay Mikee ang decision nila but I don’t know if it goes the same with you.” Mico.

“Nagpapagoodboy kasi ako kaya biniyayaan ako ni Lord ng grasya” nakangiting sabi ni Mikee.

“Well Prof. maybe it’s already time to move on from that girl who made you aloof from women. Sayang ang regalo ni God sayo na kakisigan kung ibuburo mo lang” sabi ni Keith.

Nagtataka siguro kayo sa sinabi ni Keith. Akala kasi ng mga taga AU na sa bata kung edad ay naheartbroken ako and it results sa pagiging woman-hater ko.

Sabi nga nila allergy ako sa mga babae.

But all what they conclude about me is definitely wrong.

Bakit naman ako magiging allergic sa babae eh babae ang nanay ko. I just shrugged my shoulders when I heard their accusations about me being not so friendly with women.

My churchmate (Completed) with special chaptersWhere stories live. Discover now