20 Thank you

5.4K 84 25
                                    

Samantha’s POV

Ibig kong tumalon.

Ibig kong sumigaw!

Ibig kong mangisay!

Oo na ako na ang kinilig!

Gusto ko siyang sugurin ng yakap.

Laking effort ang ginagawa ko ngayon para hindi siya sugurin ng yakap, siyempre dalagang Pilipina pa rin ako.

“Gusto mong mag-coffee?” walang ano-ano ay tanong ko sa kanya.

Sabi kasi nila pampakalma ang coffee, malay nyo tumalab din sa kilig di ba?

Pero kinabahan yata ako ng makita ang seryosong mukha ni Kirk ngayon na nakatunghay sa akin. Parang any minute ay sasabihan niya ako ng hindi.

So siya pa ang may ganang mag-inarte ngayon?

Aba! Aba! Ako kaya ang hindi niya sinabihan tungkol sa sitwasyon naming tatlo ng kapatid nya, siya pa ngayon ang magtuturndown ng offer ko?

Medyo napahiya ako pero para maibangon ko ang dignidad ko ay iningusan ko lang siya.

Hmp.. saka naglakad palayo sa kanya.

Kainis!!! Ito pala yung feeling na i-tuturn down ka kung magyaya ka ng date.

Kainis talaga!!!

At dahil sa inis ko ay pinagsisipa ko ang mga maliliit na bato na nadadaraanan ko.

Nasasaktan ang paa ko pero mas nasasaktan sa ngayon ang ego ko.

Miss?

Yun ba ang namiss?

Ahhhh ewan.  Dahil medyo malalaki na ang mga bato na dinadaanan ko ay buhok ko na lang ang pinagdiskitahan ko.

Sasabunutan ko na talaga ang buhok ko ng biglang may humawak sa kamay ko saka hinaplos ang buhok ko.

“Same impatient girl ka pa rin. Bakit ka ba tumalikod kaagad hindi pa nga ako nakasagot sa coffee date natin. ” , tumatawang sabi ni Kirk sa akin na hindi ko na pinagtakahan kung bakit siya nakahabol sa akin sa laki ba naman ng taong ito.

“Hush, huwag na siguro may makakadate ka na. Nakalimutan ko kasi madami pala yung nakapila sa clinic kanina” umiingos na sabi ko sa kanya pero hindi ko mapigilang mapansin na hawak lang pala niya ang magpapakalma sa nabubwesit ko na sistema.

“Hindi lang ako nakasagot kaagad, may date na kaagad? Hindi naman kasi “gusto mong mag-coffee?” ang gusto kong marinig eh” tila nagmamaktol niyang sabi.

“Eh anong gusto mong sabihin ko? “Dinner tayo?” masaya ka ang lakas mo kayang kumain , hindi kaya ng budget ko” pagtataray ko pa rin sa kanya habang hawak-hawak pa rin nya ang kamay ko.

“Silly” sabi nya saka pinihit nya akong mahina paharap sa kanya sabay tingin sa mata ko at sabi

“Gusto ko lang marinig kung miss mo din ba ako.”

Oh my God kailangan ko na talagang magkape….

~~~~~~

~~~~~~

“Anong gusto nyo Sir?” tanong ng attendant na babae sa coffee shop na pinasukan namin ni Kirk.

Tumaas ang kilay ko. Hindi naman ako maliit ah, bakit hindi nya ako nakita?

“What do you like Samantha?” pandededma ni Kirk sa babae imbes ay ako ang tinanong nya.

Gusto kong pumalakpak. Siya pa rin talaga si Kirk, ang masungit na si Kirk.

My churchmate (Completed) with special chaptersحيث تعيش القصص. اكتشف الآن