6 (the deal and the seal)

8.2K 79 24
                                    

6 (the deal and the seal)

                        for you dahil nag-abang ka 4 these @phoebeathena at kay @SollyManalo pasensya na po at ganito ang chapter na ito hindi ko napagbigyan ang gusto mo kasi ito po ang way ko to make them know each other better....

Kirk’s POV

          Nandito na kami sa dorm na titirhan namin for 3 days. It is not an ordinary dorm. Complete with the facilities we needed at malapit lang ito sa gym ng GFU.  Since 12 lang kami tig-apat kami sa isang kwarto.

Ang mga kasama ko ay sina Kieth, Mico at Mikee na ngayon ay parang mga timang na nakamasid sa akin.

          Iba-iba ang mga reaksyon na nakaguhit sa mga mukha ng mga ito.

Si Mico na tila nagtataka na para bang hindi ako kilala na nakatingin sa akin.

Habang si Keith naman ay parang di mapakali na para bang kating-kati na ang dila na magtanong sa akin.

At ang pinakanakakainis na reaksyon ay ang kay MIkee. Nakangisi lang ito. Ngising madaming kahulugan.

          “Hindi ba kayo magsasalita o tatawagin ko na ang iba para magpraktiks na tayo” sabi ko sa kanila.

Alam ko kasi na pagod pa ang mga ito dahil sa maaga kaming gumising kaya ayaw muna ng mga ito ng praktis.

          Napawi lahat nang mga reaksyon na nakaguhit sa mga mukha  nila nang narinig ang sinabi ko at ngayon naman ay nagsisikuhan pa na tila nagtutulakan kung sino ang magsasalita sa kanilang tatlo.

          “ISA”

          “DALAWA”

          “TAT-”

          “MASARAP BA?” sabay-sabay na sabi nilang tatlo.

“WHAAT?” singhal ko sa kanilang tatlo.

“Ahmmm yung kanina Prof.” sabi ni Mikee na nakangisi.

Ano ba ang pinagsasabi ng mga ito na masarap ba. Hindi pa naman kami kumakain ng pananghalian.

“Anong kanina? Ayusin nyo yang pagtatanong ninyo kung ayaw nyong pag-uuntugin ko kayong tatlo.” Ako.

“Yung ano Prof” si Keith yan habang minumwestra ang nguso.

“What the hell is that, payong kapatid lang Keith huh, tigilan mo na yang pagsama kay Mikee at nahahawa ka na sa mga kabiliwan nya.” Sabi ko sabay tapik sa balikat ni Keith.

 “Prof. naman good influence ako noh” nagmamaktol na sabi ni Mikee.

“At Prof. huwag mong ibahin ang topic natin. Hindi mo pa nga nasasagot kung masarap ba.” Keith.

“Nasapian ba kayong tatlo at ganyan yang mga pinagsasabi nyo? Ano ba ang matitikman kung masarap kung hindi pa nga ako nakakain ng pananghalian.” Nakakunot noong tanong ko sa kanila.

“Prof. huwag namang maging denial king. Tayo lang naman dito ahhh mahihiya ka pa ba” nakangising sabi sa akin ni Mikee with matching akbay pa.

“What I am denying here?, eh hindi ko nga alam kong ano yang pinagsasabi nyo” mainit na talaga ang ulo ko kaya nakasimangot na ako.

“Kayo naman kasi bakit hindi nyo pa diretsohin” sabad ni Mico.

“Oh sige ikaw na ang magtanong total ikaw naman ang nagsuggest” Keith.

“Ahmmm Prof. anong lasa nung labi ng team captain ng WVT ng GFU?” seryosong tanong sa akin ni Mico.

“WHAT?” literal na nanlaki ang mga mata ko.

My churchmate (Completed) with special chaptersWhere stories live. Discover now