11 ( Miss Pikon at Mr. Kulit 2nd part)

7K 83 17
                                    

          Sam’s POV

                   “Haixt alien ba yun at nakapagsalita ng alien words?” kausap ko sa sarili ko ng makaalis na si Kirk.

                   Hindi ko talaga gusto ang ngiti nya at parang ibang tao siya today.

Baka dahil nanalo siya sa pustahan namin.

                   “Aixt kainis ang lalaking yun mapakulit man o mapasuplado.”

                   “Makatulog na nga” napagod ako sa pagtakbo.

                   '''''''''''''''

                    Nakatulog yata ako ng halos isang oras at nagising lang ng marinig ko ang tunog ng cellphone ko.

                   “AHHHHemllllloooooooooo” bati ko sa caller ko na may kasamang hikab.

                   “Ang baho ng hininga mo, magmumug ka muna” pang-iinis sa akin ng walang iba kundi si Kirk.

                   Di ba sabi nila magbiro ka na sa lasing huwag lang sa bagong gising.

                   Kaya ito ako ngayon lumagpas sa boiling point ang dugo ko sa pang-iinis nya.

                   “ANO BANG PROBLEMA MO SA AKIN HUH” sigaw ko sa kanya. Eh naiinis ako eh.

                   “Hala nagalit si Samantha, namamawis na naman yang ilong mo ngayon noh?” tumatawang sabi ng lalaki sa kabilang linya na hindi pinansin ang inis ko.

                   “Wala kang pakialam!!!” singhal ko sa kanya.

                   “Ano bang kailangan mo at nang-iinis ka na naman?” inis ko pa ring sabi sa kanya na kahit hindi ko siya nakikita ay iniirapan ko pa.

                   “Tsss taray!! Remember the 25-26?” pang-iinis nya sa akin. Para bang pinaalala pa nya na natalo ako.

                   “Oo na. ano bang kailangan mo?”

                   “Punta ka dito sa IT gym. Dalian mo!!” mando nya sa akin na hindi na nang-iinis.

                   Hala si suplado na antipatiko pa ay bumalik na!!!

                   Kaya kumakaripas ako ngayon sa pag-aayos ng sarili ko at ng makita kong okay na ang hitsura ko ay nagmamadali akong tumakbo papuntang gym.

                   Nang makarating na ako sa IT gym ay napansin kong madalim at ang umiilaw lang ay ang center court kung nasaan ang electronic display board.

                   Hala! Medyo natatakot ako. Kasi naman ayaw ko sa malalaking lugar na madilim.

                   Lalabas na sana ako ng may marinig akong bolang dini-dribble.

                   Natatakot na talaga ako. Ikaw ba naman ang magsolo sa isang gym tapos may maririnig ka pang bola na tumatalbog.

                   Naghanda na sana ako para tumakbong muli habang minumura sa isipan ko si Kirk.

                   Nang narinig ko na nai-shot yung bola at ng maishot yun ay automatic na may dumisplay na salita sa electronic board.

My churchmate (Completed) with special chaptersOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz