8 (Training day!) p1

7.2K 74 7
                                    

          Kirk’s POV

                    “Saan pupunta yung si Mikee?” iritadong tanong ko kina Mico at Keith pagkalabas ni Mikee sa kwarto namin.

                    Kibit-balikat lang isinagot ni Mico sa akin na abala sa harap ng laptop nya habang si Keith ay nagsosound trip.

                   Binato ko ng unan  si Keith at nagtatakang tumingin sa akin.

                   “Ano ba prof, nagme menopause ka na naman” maktol nya sa akin.

          “Kung sumagot ka lang sa tanong ko di ka matatamaan sa akin” sabi ko sa kanya na tiningnan pa siya ng masama.

                   “Eh ano ba yun?” nagtatakang tanong ni Keith.

          “Sabi ko saan pupunta yung Mikee na yun?”ako

          “Prof di ba hahanapin nya si Sam” balewalang sabi ni Keith.

          “HINDI PWEDE” napalakas na sabi ko na ikinagulat ni Keith at Mico.

          “Prof naman kung makasigaw, anong tingin mo sa amin ni Keith bingi?” reklamo ni Mico sa akin.

          “Oo nga at bakit hindi pwedeng hanapin ni Mikee si Sam?” curious na tanong ni Keith.

          “Hindi pwede kasi—kasi magtetraining na tayo” defensive na sabi ko. Hindi ko alam kung bakit napasigaw ako at bakit naiirita ako.

          Nagkibit balikat lang si Mico at si Keith.

          “Wala na tayong magagawa Prof, alam mo naman ang motto ni Mikee, what Mikee wants, Mikee gets” sabi ni Mico na bumalik sa harap ng laptop nya.

          “Basta hindi pwede, Keith tawagin na ang iba at within 30 minutes ay magsisimula na tayo sa ating training” utos ko kay Keith.

          “Prof di ba sabi mamaya na lang?” tanong ni Mico.

          “Wala naman tayong ginagawa. Huwag na nating sayangin ang oras natin. Sige tetext na lang kita Mico kung saan ang assigned gym natin” sabi ko kay Mico at akmang lalabas sa kwarto namin.

          “Eh Prof asan ka naman pupunta?” tanong ni Keith sa akin na tila ba aliw na aliw na nakatingin sa akin.

          “Hahanapin ko si Mikee” simpleng sagot ko sabay labas. Hindi ko na napansin ang makahulugang tinginan nina Keith at Mico.

          Sam’s POV

My churchmate (Completed) with special chaptersNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ