22 Love on Top

5K 87 24
  • Dedicated to to all who supported this
                                    

Samantha’s POV

“I’m going to the venue already”

“Who’s with you?”, tanong ng napakagwapo, possessive at sweet kong boyfriend.

It’s been one week since I said yes to him and since last week I feel so happy and blessed.

One week of full of surprises, kilig and the feeling of being loved.

And the reason behind all of these wonderful feelings is Kirk, my Kirk.

“I’m going alone. Nauna na sina coach may tinapos pa kasi ako.”

“Where are you now?” narinig kong tanong ni Kirk na para bang nagmamadali siya.

“Palabas na ako ng gate, magcocommute lang kasi ako”

“Wait for me there Samantha, I will go with you”

“Teka- teka paano na yung-”

“Wait for me there okay” striktong sabi nya sa akin.

“Okay sabi mo eh take care.”, nakangiting sabi ko sa kanya. Naiimagine ko na naman kasi ang nakakunot niyang noo ngayon.

“I will, stay there Samantha. I love you” sabi nya na nagpatibok ng malakas sa puso ko.

“ I love you too” sagot ko sa kanya.

Ewan ko ba kung epekto ba talaga ito sa pagiging inosente ko sa ganitong mga bagay kung bakit parang parati akong hihimatayin tuwing sasabihan niya ako ng I love you.

Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagkalikot ng phone ko habang hinihintay si Kirk nang biglang may kumalabit sa akin na muntikan ko ng ikasigaw.

“Little grumpy huh” naka-ismid na sabi ni Tricia.

Biglang nagtikwasan ang mga kilay ko.

Bakit nandito na naman ang babaing ito?

“Not really” tipid kong sagot sa kanya. Pinagsisihan ko talaga kong bakit nasabihan ko ito ng sopistikada kahit sa isipan ko lang.

“I heard you and Kirk are officially together” narinig kong sabi nya.

Tumango ako.  I am proud of us being together.

“Did Kirk tell Tita about this?” tanong nya na may kakaibang ngiti sa labi.

Bigla akong kinabahan sa nakitang ngiti sa mga labi nya.

Ito kasi yung mga ngiting nakikita ko sa mga mean girls sa mga pelikula. Nakakatakot pala kapag nginingitian ka ng ganito sa totoong buhay.

Dahil siguro sa pananahimik ko ay nagsalita siyang muli.

“I bet hindi, Kirk don’t want to have an argument with Tita about you again”

Napatingin ako sa kanya bigla ng marinig ko ang sinabi niya.

“Ops! Kirk didn’t tell you about it?” kunwari ay nabigla siya sa kanyang sinabi. Imbes na mainis ako sa kanya ay kinabahan ako.

Ayaw ba talaga ni Tita Ann sa akin?

“You need to work that out Samantha because in my part hindi ko na iyon kailangan, Tita Ann adores me” may pang-iinggit sa boses nya.

Kahit na dinadaga na ang dibdib ko ay hinding-hindi ako magpapatalo when it comes to Kirk.

“Don’t worry about it Tricia, hindi naman si Tita Ann ang pakikisamahan at pakakasalan ko eh. It’s Kirk and as far as I know ang dami na ng mga istorya na hindi tanggap ang babae ng magulang ng lalaki but eventually ay mawawala na din iyon kung mabibigyan sila ng apo. I can also resort to that solution Tricia.”, nakangiti kong sabi sa kanya na ikinasingkit ng mga mata niya.

My churchmate (Completed) with special chaptersWhere stories live. Discover now