13 (Friendzone... zone3)

6.6K 81 19
                                    

                Kirk’s POV

 

                “Samantha bilhin na natin yan” nag-alala kong sabi kay Samantha na ngayon ay abala sa pagbabasa ng libro.

               

                Nandito kami ngayon sa bookstore pagkatapos nya akong tawanan na halos maihi na yata siya kakatawa dahil sinabi ko sa kanya na nagselos ako kay Crunchie. Kaya heto napilitan akong pagbigyan siya na pumunta kami sa bookstore na labis kong pinagsisihan sa ngayon.

                Akala ko naman kasi ay bibili siya ng libro hindi pala.  Ginawa lang nyang personal library ang bookstore.

                Paano? Heto kami ngayon sa pinakasulok na bahagi ng bookstore kung saan katabi namin ang storage room ng tindahan.

                Nagbabasa si Samantha ng libro na kinuha lang nya saka dinala sa sulok para basahin nya.

                “Shhh huwag ka ngang maingay dyan, at pwede bang yumuko ka kahit kunti ang tangkad mo baka makita pa tayo dito”, saway nya sa akin na hindi man lang ako tinapunan ng tingin dahil engrossed na engrossed siya sa binabasa nya.

                “Samantha bawal yan di ba? Dapat bilhin mo muna yan bago mo basahin”

               

                “Tss huwag ka ngang maingay hindi ko ito bibilhin hinihiram ko lang ito” saway nya sa akin na ikinainis ko. Hindi man lang kasi ako tinitingnan.

                Ibang klaseng babae talaga ito.

                “I’ll buy that!!” sabi ko. Ako kinakabahan sa pinaggagawa ng babaeng ito.

                “Really? Wow tiyak na matutuwa si Bob nito” parang batang nabigyan ng candy si Samantha sa kanyang reaksyon.

                Sino daw? Bob? Iyon ba yung hinhintay nya? anong apelyido kaya nun? The builder?

                “Bibilhin mo pero nagmemeeting naman yang mga kilay mo huwag na nga lang. Makikibasa lang ako dito.” Sabi ni Samantha na parang nagtatampo.

                “Kasi naman Samantha sino bang Bob na yan at matutuwa kapag nabili yang kinupit mong libro?” inis na sabi ko sa kanya.

                “Correction hindi ko ‘to kinupit hiniram ko lang. Hi.Ni.Ram.” sabi nya sa akin na may kasama pang irap.

                “At hello??? Ikaw lang yata ang hindi nakakilala kay pareng Bob. Ito ang pangalan nya o” sabi nya sa akin saka tinuro ang pangalan ng author ng libro na kinupit este hiniram nya.

                “Tss lika ka na nga bilhin na natin yan at ang init-init dito oh” masungit na sabi ko sa kanya saka nagpatiuna sa paglakad pero paglingon ko ay hindi man lang ito natinag sa pagkakaupo nito.

My churchmate (Completed) with special chaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon