25.1 Celebration (The wedding)

3.9K 113 45
                                    

Samantha’s POV

6 months after….

“Hon natawagan na ba yung resto na to 4get everything?” balisang tanong sa akin ni Kirk na nagpangiti sa akin.

Sa anim na buwan ba naming paghahanda sa kasal namin ay mas kinakabahan pa yata siya kesa sa akin.

“Halika ka nga dito” malambing na tawag ko sa kanya na inaya siyang maupo sa tabi ko.

Nandito kami ngayon sa condo ko nagfianalise sa mga kakailanganin para sa kasal namin which will happen exactly one week from now.

“Bakit ba tense na tense ka? Kung may nakalimutan man tayo ay nadiyan naman si Tricia para ipaalala sa atin” sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang ilong nya.

Si Tricia ang wedding planner namin and we are already okay. Tanggap na daw nito na ako ang pakakasalan ni Kirk.

“I just want that day to be perfect Samantha. It’s your day.”

“It’s not my day Kirk, it’s our day and that wedding will be perfect for sure because you are the one in my side that day”

I saw him smile sweetly and looked at me lovingly.

“Stop being so sweet baka mauna pa ang honeymoon natin kesa sa kasal” sabi nya habang unti-unting lumalapit ang mukha nya sa mukha and in a swift motion he claims my lips.

I can’t help but smile. Kahit ilang beses yata nya akong halikan ay hinding- hindi magbabago ang epekto nito sa akin.

He kisses me with such gentle manner with passion on it.

“Magpakasal na tayo Samantha” tila batang sabi ni Kirk na nakayakap pa rin sa akin pagkatapos ng halik na pinagsaluhan namin.

“Huwag kang atat huh kaya ka napapagalitan ni Ate kasi aburido ka masyado”, natatawang sabi ko sa kanya.

“Kasi naman si Ate hindi tayo pwedeng magkita ng tatlong araw, bakit ba may ganon?”

“Pamahiin yun Kirk para daw walang maging problema sa araw ng kasal natin at para daw siguradong matutuloy ang kasal natin”

My churchmate (Completed) with special chaptersWhere stories live. Discover now