11 ( Miss Pikon at Mr. Kulit 1st part)

7.3K 86 29
                                    

I dedicate this for you because you asked for this.. xie xie for reading!!!!

          Kirk’s POV

                   Boogshhhh!!!!

                   ARRRGGGGHhhhh..

          Ang sakit ng likod ko sa pagbagsak ko. Hindi ko alam kung ano ang nagyari sa 3 points na ipinukol ko.

          Hindi ako nag-eexpect na pumasok yun kasi for God’s sake first attempt ko yun na magtres sa tatlong taon ko sa paglalaro.

          Pero napangiti ako dahil nakita ko ang mukha ni Samantha bago ko pinakawalan ang bola.

          She smiled at me and it is an encouraging smile.

          Dinama ko pa ang lamig ng sahig ng gym ng bigla na lang akong sugurin ng mga kasamahan ko.

          “Hurray!!!!! Prof we won!!!!”

          “Good shot Prof….”

          “Nice one Prof…”

          Ito ang mga naririnig kong pinagsasabi ng mga nababakla ko yatang mga teammates na panay yakap sa akin and take note nakahiga pa ako habang ginagawa nila yun.

          “Tsss ” pagsusungit ko sa kanila na akma ko silang pagtulakan isa-isa nang parang umangat ang katawan ko.

          Nag-levitate ba ako? Oa ko lang siempre yung mga nababaklang teammates ko pinagkaisahan akong buhatin.

          Gusto ko silang pagbabatukan at sigawan dahil akala mo naman championship game yung napanalunan namin eh practice game lang ‘to pero di ko na ginawa ang dami kasi nila at parang ang saya lang nila.

          “Ok boys!! Ibaba na nyo yan si Prof at may gustong magcongratulate sa kanya” narinig kong sabi ni Sir John na may nadedetect akong panunukso.

          Napasimangot ako kasi parang alam ko na naman ang susunod na eksena nito.

          May mga magsilapitang mga fangirls ko kuno na kinaiinis ko talaga. Hindi naman kasi ako artista.

          Kaya bago ako lumingon sa tinutukoy ni Sir John ay nakakunot na ang noo.

          Hindi nga ako nagkakamali. May mga babae nga na parang nakakita ng mga Hollywood actors na busy sa pagkuha ng mga pictures namin.

          “Tssss bahala ka na dito Sir John, alam nyo naman na ayaw ko sa mga ganyan” pasimpleng sabi ko kay Sir John.

          “Hindi naman kasi sila ang tintukoy ko e, yun oh ” sabi ni Sir John sabay turo ni Sir John sa kumpol ng mga babae na pilit lumalapit sa amin.

          “Sir John naman, ayaw ko nga sa kanila di ba?” naiinis na ako.

          “Hindi naman sila talaga ang tinutukoy ko. Yun o yung maganda, matangkad, sexy na babae na ang alam ko ay ang Volley Captain ng GFU  na ang alam ko ay nababalitang girlfriend mo daw”

          Yan ang mahabang litanya ni Sir John. Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Sir.

          Hindi ko alam na chismoso pala ito si Sir John?? Pero ano daw Captain???

          Dali-dali kong tiningnan ang tinutukoy at yun nga nandun si Samantha sa likuran ng mga magugulong babae na tila ba pinagtutulakan ng babaeng kasama nito.

My churchmate (Completed) with special chaptersWhere stories live. Discover now