12 (dug..dug...dug... yī)

6.8K 82 23
                                    

                   Oo na ako na ang tamad at makupad mag-UD. Pasensya na po talaga… BAo qian……….

                   Enjoy reading!!!!!!!

Warning:  There are some offensive words in this chapter…

                   Sam’s POV

                “What??? Uuwi ka ngayon sa ganitong oras?? Are you nuts???” parang mabibingi ako sa lakas ng boses ng “new friend” ko na nasa kabilang linya ngayon.

                   Medyo may pagka-gago din pala ang Kirk na ito. Nagtatanong sa text kung ano na ang ginagawa ko ng sinabihan kong uuwi ako sa tinitirhan ko ay napatawag ng ganito kataas ang boses na tila ba napakamaling desisyon ang gagawin kong pag-uwi.

                   “Naman Mr. Uy natanggal na yata lahat ng tulele ko sa tenga ko ngayon sa pagsigaw mo at sa pagkakatanda ko hindi naman ako bingi para sigawan mo” mahinahong sabi ko sa kanya. 

Naamuse ako sa kanya dahil parang concern na concern yata ang tono ng boses nya ng tumawag sa akin na napansin ko despite the fact na nakasigaw pa ito habang nagsasalita.

                             “Samantha!!!” may warning akong nababanaag sa boses ni Kirk.

                   “Oo na ako ng mali pero I need to go home Kirk” mahinahong paliwanag ko sa kanya kayo ba naman ang pagalitan ng captain ng AU matatakot talaga kayo.

                  “Dahil na naman ba sa Crunchie na yon?” inis nyang tanong.

                   Sasagutin ko sya sana ng mataginting kung “oo” dahil iyon naman talaga ang rason kung bakit uuwi ako kasi may nag-ayos na daw kay Crunchie.

                   “Kirk hindi naman pwedeng dito na lang ako parating matulog may bahay din naman akong dapat uwian”

                   “Okay but wait for me in the gate” sabi nya na agad na tinapos ang tawag nya.

                   Napapangiti na lang ako sa ginawi ni Kirk. Who would have thought na ang supladong Captain ng AU na binigyan ko pa napakaraming pangalan remember the Mr. Antipatiko? Kirk the Jerk? ay magiging kaibigan ko all of the sudden na ngayon ay parang boyfriend kung makaasta.

          “Boyfriend?? Naman Samantha ang advance mag-isip?”, sita ng isang bahagi ng utak ko.

          Napabuntunghininga na lang ako sa naisip ko. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko ang maging close sa isang lalaki. Nakakatakot na baka hindi ko matupad ang pangako ko kay Ale-

                   “Hey!!” napaigtad ako ng may biglang tumulak ng malakas sa balikat ko.

                   “Aray!! Ano bang problema mo?” naiinis kong sita sa nanulak sa akin na walang iba kundi si Ria the cheerleader.

                   “Ikaw ang problema ko!!!”galit nyang bulyaw sa akin na ikinalingon ng ibang mga estudyante na dumadaan.

                   Naman!!! Ayoko ng ganito, ayaw ko ng atensyon ng mga tao at mas ayaw ko ng away.          Hindi ako kalevel ng babaeng ito sa pagka-warfreak.

                    “Ria please lang ayoko ko ng gulo” mahinahon kong sabi sa kanya. pasalamat ‘tong babae na ito at napakain ako ng mabuti ni Kirk at naging good mood ako.

My churchmate (Completed) with special chaptersWhere stories live. Discover now