18 Painful exchange...

5.5K 80 30
                                    

Samantha’s POV

We just stood there after I heard what he said.

Parang ang tanga ko sa mga oras na iyon kasi kahit hindi ko itatanong sa kanya ay alam ko ang sagot.

He knew all along na ang kapatid nya ang hinihintay ko at ako ang hinihintay nya.

Kaya pala noong panahong nahihirapan ako sa pag-iwas sa kanya ay parang ang dali lang para sa kanya.

Kaya pala.

I feel betrayed at kung pwede nga lang na sigawan ko siya ng oras gagawin pero hindi pwede.

Halo-halo ang emosyon na naramdaman ko ngayon, pagkagulat, galit at iba to the point na parang namamanhid ako na nakatayo sa harapan nya.

Gusto kong magsisi kung bakit dito ko pa sa simbahan napagdesisyunan na makipagkita sa kanya.

Kung sa palengke siguro ay sinigawan ko na siya pero nasa simbahan kami.

“Where is your brother?” I said without emotion in my voice.

“Samantha, let me explain first”, sabi ni Kirk sa akin pero alam ko sa oras na ito ay hindi ako maniniwala sa lahat ng sasabihin nya sa akin dahil ang naiisip ko lang sa oras na ito ay niloko nya ako.

He knew it all along.

“I want to see him” hindi ko pinansin ang sinabi nya.

“Samantha he’s gone” mahinang sabi nya sa akin pero enough para mabanaag ko ang lungkot sa boses nya.

“So naghintay lang pala ako sa wala?” sarcastic na sabi ko.

“Ah kaya pala nandito ka dahil ikaw ang kapalit nya. Anong tingin nyo sa akin ng kapatid mo isang laro na may substitution? ” kahit ako rinig na rinig ko ang pait sa mga salitang binitawan ko.

Parang gusto kong pagsisihan ang sinabi ko ng makita ko ang galit sa mukha ni Kirk.

Nagtaka ako. Bakit pa siya ang galit ngayon? Di ba ako ang naloko?

Magsasalita na sana ako ng marinig ko siyang nagsalita.

“Wala kang karapatang pagsabihan si John ng ganyan. Dahil at the very last minute ay ikaw ang iniisip nya. Before he died ikaw ang bukambibig nya. ”

I was stunned. What he died?

That boy died?

Hindi ko namalayang nag-uunahan na palang tumutulo ang luha ko.

It was the first time na umiyak ako sa harap ni Kirk na hindi nya ako inalo. Hindi ko alam kung saan ako mas nasasaktan sa ngayon.

Sa katotohanan bang namatay yung batang nangako sa akin o yung balewala ako kay Kirk ngayon?

Kirk’s POV

I am taken aback sa nakitang reaction k okay Samantha ngayon. She is crying at hindi ako makagalaw para hawakan ko siya.

I didn’t plan to outburst in front of her but I get mad ng marinig ko sa kanya na para bang walang kwenta ang kapatid ko dahil hindi ito ang nakaharap sa kanya ngayon kundi ako.

“Bring me to him” sabi sa akin ni Samantha na humakbang na papalabas ng simbahan.

Nasundan ko na lang siya ng tingin.

Parang hindi ko kilala ang Samantha na karahap ko ngayon.

She is so cold, so distant and like a stranger to me.

Ito ba yung tintutukoy nila na aloof na man-hater na Captain ng GFU?

If only she will listen to me.

My churchmate (Completed) with special chaptersWhere stories live. Discover now