15 (Decisions... first)

6K 78 18
                                    

Samantha’s POV

(Now playing I miss you by Miley Cyrus)

Naman sa lahat ba naman ng kanta sa paboritong radio station ko ay ito pa ang natiyempuhan ko.

I miss you

I miss your smile

And I still shed a tear every once in a while

And even though it's different now

You're still here somehow

My heart won’t let you go

And I need you to know

I miss you

Sha la la la la

I miss you

Parang ako yata ang iniisip ng composer ni Miley ng ginawa nya ang kantang ‘to.

Nanadya talaga..

Hindi ko na nga siya iniisip  dahil 5 days and 13 hours  na ang huling pag-uusap namin  or should I say ang huling pakikipag-usap ko sa kanya.

O di ba matagal ko na siyang hindi naiisip?

Pero kung anong kinasungit nya ay yun din pala ang kinakulit nya.

Dahil ng sinabi nya na hindi nya ako bibitawan ay tinotoo nya.

Dahil kahit anong gawin kong pangdededma sa kanya ay hindi siya naapektuhan patuloy pa rin nyang ginagawa ang mga ginagawa nya dati.

Nagsisimba pa rin siya kasama ko na kahit lumipat ako ng upuan ay susunod at susunod pa rin siya sa akin.

At kahit na may sarili akong sasakyan ay susunod pa rin siya sa akin na para bang hinahatid nya ako sa apartment ko pagkatapos naming magsimba.

Nanonood pa rin siya ng last two games ko pagkatapos kong maging okay at binibigyan pa rin nya ako ng inumin kahit na hindi ko iniinom ang binibigay nya.

Lahat ng iyon ay ginawa nya nang hindi  ko siya kinakausap.

At isa sa hindi ko maintindihan ay hindi siya tumitigil at parang wala lang sa kanya ang pambabalewala ko sa lahat ng mga ginagawa nya.

Dahil tuwing kinakausap nya ako ay ganun pa rin siya nakangiti tuwing may sasabihing masaya at nagsusungit kung meron siyang hindi nagugustuhan sa ginawa ko.

Pero hindi siya nagrereklamo. Hindi siya nangungulit at sabihan akong:

“Samantha pansinin mo naman ako” o kaya’y “Samantha kausapin mo naman ako.”

He is acting as if the conversation in the hospital didn’t happen.

“Tigilan mo na kasi yan kung nahihirapan ka”, untag sa akin ni Nica sabay patay ng radio.

Nandito kaming dalawa sa quarter namin. May plano kasi kaming mini-overnight pagkatapos ng panalo namin kani-kanina lang.

 Ayaw ko kasing matulog sa apartment dahil maaamoy ko lang siya doon.

“Huh may nahihirapan ba  sa pakikinig ng kanta?” takang tanong ko sa kanya.

“Sige Sam ituloy mo pa yan” inis na sabi nya sa akin. May issue kasi itong si Nica sa akin ngayon dahil nagmamaganda raw ako.

“Oh sesermonan mo na naman ako dahil kay … sa kanya” hindi ko masabi ang pangalan nya ng malakas dahil kahit yun lang ang gagawin ko ay kumakabog na ang dibdib ko.

“Oo Sam at hindi ako titigil hanggang sa magising ka sa pinaggagawa mo” seryosong sabi nya sa akin.

“Nics I’m doing this…”

My churchmate (Completed) with special chaptersWhere stories live. Discover now