13 (Friendzone... zone2)

6.4K 89 18
                                    

 

Samantha’s POV

“I’m on my way Samantha, don’t worry maaga pa naman”

“Bakit ba kasi hindi nalang tayo sa simbahan magkikita. Alam ko naman ang papunta doon eh” pagpupumilit ko sa kanya.

Ewan ko ba kasi kung bakit pinipilit pa nyang bumalik sa apartment ko bago kami pupunta sa simbahan.

Napagkasunduan kasi naming magsimba since Linggo ngayon at umuwi rin siya pagkatapos ko siyang gisingin dahil sa panaginip ko.

“Naman Samantha di ba we discussed this one already?” parang inis nyang sabi sa akin na ikinangiti ko.

Kirk is a very unusual guy. Madaming mood swings at ang isa kong napansin sa kanya ay kung nakapagdesisiyon na siya ay wala ng makababali nito.

A hard headed guy.

“Oh magsusungit ka na naman? Ang aga-aga pa. Bugnutin”pang-iinis ko sa kanya.

“Kasi ang kulit mo di ba pumayag ka na kanina bakit ngayon ayaw mo na?” di patatalo nyang sabi.

“Eh kasi si Aling Teri ke agang ipinamalita ang tungkol sa boyfriend ko daw na nakitulog dito sa apartment ko at heto ngayon ang mga kapitbahay ko nag-aabang dito sa labas.”

            Narinig kong tumawa si Kirk sa kabilang linya.

            “Eh ano naman ngayon? Hindi naman sila mangangagat di ba?” sabi nya.

            “Hindi naman yan ang issue Kirk. Ayaw ko lang mapasubo ka sa awkward na sitwasyon.” pagpapaliwanag ko sa kanya.

           

            “Am I the first guy na nakatulog at susundo sayo dyan Samantha?” maya-maya tanong nya.

            “Oo kaya nga oa ang reaksyon ni Aling Teri eh”

            “Good.”

            “Good? At bakit naman aber Mr. UY?”

            “Because we don’t need to explain anything to them” as-a-matter-of-fact tune na sabi ni Kirk.

            “What?” nagtataka kong tanong sa kanya.

            “If they think that we are an item let them think that we are. Hindi naman importante ang sasabihin ng ibang tao Samantha because we know the truth between us. I am your bestfriend.”

            Yah bestfriend no less no more…

            “Okay” sabi ko sa kanya kasi parang nasasaktan ako dahil ang hirap tanggapin ang katotohanan na even if alam naming dalawa na may espesyal kaming nararamdaman sa isa’t isa ay hanggang dun lang yun.

My churchmate (Completed) with special chaptersWhere stories live. Discover now