2- The vow

9.3K 80 9
                                    

Samantha’s POV

          Kailan ko kaya malalaman  ang buong pangalan ng churchmate ko. It’s been 4 consecutive Sunday’s na parang nagrereserve talaga siya ng upuan para sa akin.

          At ako naman parang namihasa na rin kasi kada Linggo ay dun at dun din ako uupo.

          Hindi ako lumalandi huh kasi bawal yun nasa simbahan ako. Nakapagpasalamat na rin ako sa kanya 4 times na pero casual lang at iyon at iyon lang din ang nasasabi ko sa kanya since tingin ko ay suplado siya.

          Sayang gwapo pa naman siya with his tsinito eyes. Maputi siya at parang parating mabango.

          Hindi naman ako nag-initiate na makipag-usap sa kanya dahil nga dalagang Pilipina ako.

          At nahihiya rin ako dahil parati nyang kasama yung magandang babae. Eh kung nobya nya yun nakakahiya.

         

          “Hey Sammy may problema ba?” pukaw sa akin ni NIca isa sa mga kasamahan ko sa team.

          “Wala naman” sagot ko.

          “Eh parang tulala ka kasi captain” sabi ni Marge.

          “Nag-iisip lang ako kung kakayanin ba natin yung match natin this Friday.” Palusot ko.

          Pressured kasi kami dahil ang unang game naming ay gaganapin sa school namin at ang kalaban naman naming ay isa sa malalakas na team sa isang university at since ako ang captain 6 times siguro ang pressure na nasa akin.

          “Kaya natin yan kasi nandyan ka captain at palagi mo naman kaming pinagdadasal di ba?” Jess.

          Napangiti na lang si Samantha at naalala nya ang kanyang churchmate sa sinabi ni Jess na up to now ay hindi pa rin nya alam ang pangalan.

          “Bumuka ba ang langit ay may nahulog na isang anghel dito sa lupa at ngayon ay nandito na sa gym na ito?” maya-maya ay sabi ng bagong dating na lalaki.

          Siya si Marky, team manager naman. Kaklase ko siya for the past 3 years.

          Matangkad din pwedeng basketball player at gwapo kaya hindi kami nagtataka na kung bakit maraming nanunuood sa amin na mga babae during practice namin.

          Hindi sila mga T-bird.

          Admirer sila ng manager namin.

          “Naks si manager dumadamoves kay Captain” kantiyaw ni Marge.

My churchmate (Completed) with special chaptersOnde histórias criam vida. Descubra agora