15 (Decisions... second)

5.9K 80 24
                                    

Samantha’s POV

Parang mas kinakabahan yata ako kesa sa mga players na mismong naglalaro sa court ngayon.

Ang intense ng game. Well what do we expect it’s the finals.

“Sam huminga ka naman ” untag sa akin ni Nica na ang laki ng ngiti. Kala mo naman hindi rin kinakabahan at nakikipag-usap lang siya dahil half time na.

“Ikaw talaga puros kalokohan ang pinagsasabi mo” kunway inis na sabi ko sa kanya.

“At teka bakit hindi mo ako pinaalam na ang AU at GFU pala ang maghaharap ngayon sa finals?”

“Kasi naman po parang naging anti-basketball ka this past few weeks. Yung magmemention pa lang sana ako tungkol dito ay parang nagkaka-allergy ka na. Sabihin mo nga aber kong paano ko sasabihin sa iyo?”

Inirapan ko lang siya kasi totoo naman ang pinagsasabi nito. Tinawanan nya lang ako sabay paalam sa akin. Bibili daw sila ni Marky ng makakain.

Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagmamasid sa halftime presentation ng pep squad ng GFU at AU.

Nang biglang nagsalita ang isang babae sa tabi ko.

“Looks like we are seated by a new celebrity here” narinig kong sabi ng katabi ko.

Hindi ko sila kilala kasi naman hindi naman exclusive for AU and GFU students ang finals.

And sa nature ng kasikatan ng basketball sa Pilipinas at idagdag pa na hindi naman mga pangit ang mga players kaya dinadagsa talaga ang laro na ito.

Lumingon ako sa tinutukoy ng mga katabi ko. Nagtaka ako ng mapagtantong nasa gilid naman sila ng hilera ng mga upuan and that means ako ang tinutukoy nila?

Wehh? Di nga? Hindi naman ako sumali ng kait anong reality contest ah. Bakit ako magiging celebrity?

“Oh you are not aware about it. Just look to the other side and you will know what I mean” nakangiting sabi ng babae.

Wala namang mawawala kung susundin ko ang sinabi nya kaya tumingin ako sa sinasabi nya.

What the.. nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang tinutukoy nya.

Bakit may ganun?

“Hindi ka ba kinikilig dyan?” tanong sa akin ng kararating na si Nica.

“Who are they?”

“Mga fans ninyo ni Kirk” balewalang sagot nya sa akin na nakangiti.

Bigla yata akong inatake ng migraine.

Kayo ba naman ang makakita ng naglalakihang tarps na may picture naming dalawa.

Anong tingin nila sa amin ka level nina KimXi at KathNiel?

Pero mas nakakamigraine ang pangalan ng loveteam namin.

 SMIRK.

********************

“Bakit ka ba nahihiya Sam di ba ang sweet?” tanong ni Nica sa akin kasi naman kulang na lang magtalukbong na ako ng kumot habang nanunuod ng halftime presentation.

“What’s so sweet about it? Tss Smirk ano ba yan” maktol ko sa kanya. Eh sa nahihiya ako eh. Kasalanan ko ba kung marami akong hiya sa katawan.

“Nakakoffend ka naman Sam, ang tagal kaya namin yang pinag-- opppsss” napatingin ako kay NIca na sa ngayon ay tinatakpan ang sariling bibig.

“What did you say?” tanong ko sa kanya. May hinala na ako pero mabuti na ang nakakasigurado.

“Ah hehehe wala. Ang galing pala talaga ng pep squad natin noh? Go GFU woohhhhhh” halatang umiiwas sa tanong ko si Nica at nagchecheer ngayon. Kasi naman magpapalusot pa eh sablay naman.

My churchmate (Completed) with special chaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon