8 (The training day!) p2

7.2K 90 22
                                    

Kirk’s POV

          Hindi ko alam kung bakit tinawagan ko pa si Dir. Tan para manghingi ng number ng kapitanang iyon pero ang alam ko ay gusto kong masiguro na hindi sila magkakausap ni Mikee.

          Kung bakit ayokong mangyari yun? Hindi ko alam basta naiirita kapag naiisip ko na mag-uusap sila.

          Kaya heto ako ngayon. Nangangapa kung saan ko hahanapin ang quarter ng volleyball team dito sa GFU.

          Ayoko namang magtanong sa mga nadadaanang mga estudyante ko dahil hindi ako komportable sa mga tingin nila sa akin.

          May iba pa ngang nagtangkang magpasign ng autograph sa akin pero nang tiningnan ko ng masama ay umalis kaagad na para bang natakot sa akin.

          Hindi naman kasi ako artista para hingan ng autograph.

          After 5 minutes ay sumuko na ako sa kakaikot sa campus nila para hanapin ang quarter ng babaeng yun nang may mahagip ako na isang babae. Nakauniporme ng pangvolleyball.

          Eto yung katabi ng kapitana nung sa formal introduction.

          Mukhang nagulat ito pagkakita sa akin.

          “Anything you want Mr. Uy?” pormal na tanong nya sa akin.

          “Where is your quarter?” diretsong sagot ko sa kanya ng mapansin kung ngumiti ito na tila may kahulugan.

          “Just follow this way then turn right and there you can locate our captain” sagot nya sa akin na itinuro pa ang dapat kung daanan.

          “Okay thank you” sabi ko sa kanya at nagsimula ng maglakad ng nagsalita pa siya.

          “Huwag kayong masyadong magtagal huh baka maintriga na naman kayo.” saka takbo palayo sa akin.

          Napailing na lang ako sa inasal ng babae at saka nagmamadaling puntahan ang Kapitana nila nang biglang naramdaman ko na medyo gutom na ako.

          Aixt kainis talaga!. Bakit ba kasi ako naiinis tuwing maririnig ko yang crunchie na yan maktol ko sa sarili ko.

          Nang marating ko ang quarter nila ay kumatok ako at walang sumagot kaya binuksan ko na lang ang pinto na hindi naman nakalock.

          Pagpasok ko ay namangha ako sa linis ng quarter nila at ang daming trophy na nangangahulugang hindi basta-basta ang team nila pagdating sa volleyball at nahagip ng mga mata ko ang mga larawan ng team at napansin kong sa lahat ng larawang iyon ay ang Captain nila ang may hawak-hawak ng kanilang championship trophy.

           Ang ganda pala nya pagnakangiti, hindi ko alam kung saan nanggaling ang nasabi ko at kahit sa sarili ko ay napangiti pero ang ngiti ko ay biglang napawi ng may tumikhim sa likuran ko.

          “At sinong may sabi na pwede kang pumasok dito ng walang pahintulot” mataray na sabi ng babae na walang iba kundi ang Kapitana.

          “I invited myself since I already told you that I will be coming” sagot ko sa kanya.

          “Hmmmp kahit kailan at kahit saan antipatiko ka talaga” naiinis na sabi sa akin ng babae.

          “Kahit kailan at kahit saan din iresponsable ka. Tinatanong mo ako kung bakit ako pumasok dito ng walang pahintulot eh sino ba namang responsableng tao ang mag-iiwan ng pinto na hindi nakalock” sabi ko sa kanya sabay ismid.

My churchmate (Completed) with special chaptersNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ