13 (Friendzone.. zone1)

6.4K 73 18
                                    

            Kirk’s POV

                        Hindi ko alam kung bakit sinabi ko ni Samantha ang totoo at ang kakaiba pa nito ay tila napakahirap para sa akin na sabihin ito sa kanya.

                        “Samantha?” untag ko sa kanya dahil parang naging awkward bigla.

                        Nang tumingin siya sa akin ay para bang ang lungkot-lungkot ng mga mata nya.

                        “Okay ka lang ba?” nag-aalala kung tanong sa kanya na tinugon naman nya ng isang pilit na ngiti.

                        “Kirk mahal mo ba siya?” nabigla ako sa tanong nya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya dahil hindi ko rin naman alam kung mahal ko ba siya o hindi.

                        Ang alam ko lang ay importante ang babaeng yun sa akin.

                        “Ah hehehe hehehe pagganyan ang tanong sa iyo sabihin mo nalang na no comment, yan ang natutunan ko sa kurso ko. Pasensya ka na Kirk huh at napagpraktisan pa tuloy kita” sabi ni Samantha sa akin na ngumiti pero alam kung may kakaiba sa ngiti nya.

Parang pilit. Kaya ngumiti na lang ako.

“Ikaw talaga, baka 3 years from now ay ikaw na ang mag-iinterview sa pinakagwapong PBA player dito sa Pilipinas” pagbibiro ko sa kanya sabay kindat.

Na ginantihan nya ng irap.

“HUH bumabagyo na yata. Naku heto na ang bagyo pumasok na sa silid ko at mga kababayan ang bagyo ay napag-alamang may pangalan na KIRKY.” Litanya ni Samantha na umakto pang isang weather reporter.

“Ano naman ang masasabi mo sa bagyo nandito ngayon?” at dinamay pa talaga nya ako sa pagkukunwari nyang reporter.

Nginitian ko lang siya pero inirapan nya lang ako at pinandilatan na para bang sinasabing “sagutin mo ang tanong ko”.

“Ke gwapo-gwapong bagyo naman nito” sabi ko na may pahimas-himas pa sa baba ko na ikinatawa nya.

“Matulog na nga tayo” sabi nya na tumatawa habang naglakad papunta sa kanyang hinihigaan.

Nang mapansin kung parang umiika pala siya.

“Samantha are you okay?” nag-alalang tanong ko sa kanya.

“Hmmm hindi masyado kasi parang naging pasa yung kanina kaya heto medyo kumikirot” sabi nya sa akin na medyo ngumiwi.

“Do you have an ice bag here?” tanong ko sa kanya.

“Nope I don’t have one” sabi nya sa akin na nahiga na.

“Tsss.. para kang hindi athlete” umandar na naman ang pagkamasungit ko.

“Okay lang ‘to. Matulog ka na nga at nagsusungit ka na naman” sabi nya sa akin na may halong pang-iinis.

“Use that bean bag of yours to elevate your leg” utos ko sa kanya sabay labas ng kwarto nya.

  Samantha’s POV

                        Naramdaman kong lumabas si Kirk ng silid ko. Pagkalabas nya ay hindi ko napigilang  mapabuntunghininga.

                        Parang nalulungkot ako na nasasaktan dahil sa sinabi nya tungkol sa babaeng meant for him daw.

                        Gusto kong batukan ang sarili ko kung bakit ako nakaramdam ng ganito mabuti na lang at nagkaroon ako ng palusot para maiwasan ang sagot nya sa tanong ko.

My churchmate (Completed) with special chaptersKde žijí příběhy. Začni objevovat