23 VOW

4.9K 87 18
                                    

Samantha’s POV

“Quit fidgeting okay?” sabi ni Kirk sabay gagap sa kamay ko.

Magdi-dinner kasi kami with Tita Ann. Kahit na sabi ni Kirk na it will be okay ay halos hihimatayin pa rin ako sa kaba ngayon.

Mas kinakabahan yata ako kesa sa naging championship game namin kahapon which we got the crown.

“Baka kasi ayaw nya talaga sa akin Kirk” kinakabahang sabi ko sa kanya habang papasok kami sa resto.

“Who would not like you? The gorgeous, stunning, MVP, and most especially the sweetest girl that I’ve meet and will ever loved”, nakangiting sabi nya sabay pisil sa ilong ko.

“Binobola mo lang ako eh”, nahihiyang sabi ko sa kanya. Hinding-hindi yata ako masasanay sa  mga papuri nya sa akin.

“Gusto mong magthank you ako sa harapan nilang lahat para hindi mo masasabing binobola kita Samantha?”, seryosong sabi ni Kirk pero napansin ko na may pilyong kislap ang mata nito.

“Oo na naniniwala na ako sa pinakagwapo, possessive, thoughtful, full of mood swings at napakasungit kong Kirk.” natawang sabi ko sa kanya ng makita ko siyang sumimangot.

“Mahal mo talaga ako noh kasi ang lambing ng mga pinagsasabi mo sa akin.”, nagtatampo pa ring sabi nya sa akin.

“I love you Kirk” bulong ko sa kanya na nakapagpangiti sa kanya.

“Wo ai ni Samantha” napangiti ako kasi sa wakas hindi na siya alien words sa akin.

“Huwag mo akong ngingitian ng ganyan Samantha in this kind of place”, seryosong sabi nya sa akin.

“Huh?”painosenteng tanong ko sa kanya.

Hindi pa man siya nakasagot ay namataan na namin ang Mommy nya. seryoso itong nakatingin sa akin na hindi ko mawari kong galit ba siya o hindi. Napahigpit tuloy ang hawak ko kay Kirk.

“Relax okay” bulong sa akin ni Kirk habang papalapit kami sa kinaroroonan ng Mommy nya at nang nakalapit na kami ay dumoble ang kaba ko nang makita kong tumayo ang Mommy  nya.

“Hey Mom” bati ni Kirk dito sabay beso.

“Hi son” poker face na sabi ng Mommy nito. Hihimatayin na yata ako sa kaba ng binalingan ako ni Kirk.

“Remember Samantha? She is my girl now Mom” nakangiting sabi ni Kirk na halata sa boses na proud siya sa akin.

Nakita kong papalapit ang Mommy nya sa akin seryoso pa rin ang mukha at saka dahan-dahang umangat ang mga kamay nito na akma yata akong sasampalin, kaya napapikit na lang ako at saka mentally nagbilang kung kailan ko mararamdamn na dumapo ang kamay nya sa pisngi ko.

Napadilat ako ng hindi ko maramdaman ang kamay nya sa pisngi ko bagkus ay naramdaman ko ang mga braso niya na nakayakap sa akin.

“Thank you for making my Son happy Samantha” narinig kong sabi ni Tita Ann.

Does this mean ay tanggap na nya ako kahit hindi ko pa siya nabibigyan ng apo?, singit ng isang bahagi ng isip ko.

“I know you are a good choice and I am happy na magiging daughter-in law na kita” masayang sabi ni Tita Ann na kumalas ng yakap sa akin.

Nahihiyang ngumiti ako sa kanya. Nakakaba naman yung daughter in law kaagad.

 Pero parang type ko yata!

“HAhaha Mom tama na yan baka mapa-oo mo pa si Samantha ngayon”, tumatawang sabi ni Kirk.

“Pabor naman yun sa iyo”, nakalabing sabi ni Tita Ann.

My churchmate (Completed) with special chaptersWhere stories live. Discover now