“Kapal ng mukha mo.”sabi ko sa kanya at kinuha ko ang Clearbook na may Collections namin na puro Wedding Gown at Tuxedo Designs. Kinuha ko rin ang tape measurement para masukatan silang dalawa.

“Tara na?”aya ko sa kanya at lumabas kami ng Boutique nakasalubong pa namin si Guia at Shiela.

“Oh Shiela kamusta ang.. Braso mo?”sabi ni Tristan ng makita ang braso niya na naka-benda napa-smirk naman ako.

“Ayos lang sabi ng Doktor hindi masyadong serious yung fracture in three days wala na ito.”sabi niya at napakagat labi, Napatikhim naman si Guia. Halata sa mukha nitong mokong na naguguluhan siya.

“Tanga! Shiela means in three days ayos na ang braso niya.”sabi ko dito sa mokong napatango naman siya, Naglakad na kami papunta sa kotse niya pero pinandilatan ko ng mata si Shiela na nag-peace sign lang. Pumasok na sila ni Guia sa shop habang ako naman pumasok sa kotse nitong punyeta na ito.

“Ano bang nangyari kay Shiela bakit nasagasaan?”tanong sa akin nitong lalaking ito. Napa-iling na lang ako hindi naman siya tsismoso ano?

“Ah hinabol kasi ni Shiela ng kutsilyo yung kabit nung isa naming friend na may asawa na.”sabi ko sa kanya at halatang nagulat siya sa sinabi ko. I smirked effective ang pangongonsensya all the pain is worth it.

“Joke lang! Hindi ka mabiro? Tanga kasi siya hindi niya nakita yung sasakyan masyado siyang ma-drama kwento ni Guia.”pagsisinungaling ko sa kanya, Nagtatango naman siya. Nag-role eyes na lang ako mukha siyang bubble head sa pinag-gagawa niya. Tumingin ako sa labas ng biglang nag-ring ang phone niya, kinunek niya sa wire then pinindot niya yung answer button so maririnig ko ang usapan nila? That’s better!

“Hello?”kasasagot palang niya ng..

“TRISTAN JAMES GONZALES!”sigaw sa kabilang linya nagulat ako sa sigaw kaya napatingin ako pati siya nagulat din dahil nahinto niya ang kotse.

“Pa bakit ka sumisigaw?”sabi ni TJ, Napangiti naman ako ng palihim pero agad kong inayos ang sarili ko ng tumingin sa akin si Tristan.

“Anong meron?”tanong ko kay TJ, Perfect para marinig ng papa niya ang boses ko.

“TJ! Ano itong nababasa ko sa Newspaper na ang girlfriend mo raw ay parang nanay mo raw ha?”galit na sigaw ni Tito Carlos. Talagang nagbubunyi ang pakiramam ko ang gaan sa pakiramdam at natutuwa talaga ako kaya lang may halong galit pa rin.

“Ha? Anong pinagsasabi mo pa? mamaya na lang ako mage-explain papunta na kami diyaan sa bahay.”sabi niya at pinatay ang call. Nag-drive na siya ng mabilis papunta sa kanila.

“Anong meron ano yung sinasabi ng papa mo?”tanong ko kay TJ na may tono ng pag-aalala.

“Wala iyon.”sabi niya sa akin, Napatango na lang ako ng tumingin siya sa akin saglit at binalik niya ang tingin niya sa daan. Sumandal ako sa upuan at tumingin sa bintana, Lihim akong napangiti ang tanga niya! Isisikreto niya pa sa akin eh ako nga ang nag-tip sa mga iyon ng tungkol sa relasyon niya.

Nang makarating kami sa Subdivision nila ay maraming reporters na binablock ng mga security guards. Tinignan ko siya na halata ang kabado sa mukha.

“Paano tayo makakapasok?”tanong niya sa akin, Hinawakan ko siya sa balikat to comfort him. Aaminin ko nandidiri ako ng hawakan ko siya.

“Akong bahala lalabas ako dito ka lang.”sabi ko sa kanya ng may boses anghel, Slowmo ko pa kinurap ang mata ko at mabilis akong lumabas ng kotse niya. Nandidiri talaga ako sa mga pinagsasabi ko, Paano pa kaya kapag sinabi ko na sa kanya ang Magic Words?

My Guy (series)Where stories live. Discover now