“Excited ka na bang makita ako?” Rinig kong tanong ng multo. Napatingin ako sa gawi ng pinanggagalingan ng boses ngunit wala akong nakita. Pasaway na multo to!

Napasinghap ako at mariing napapikit “Lika ka, kasi may surprise ako sayo pag nakaharap na kita.” Nakapikit ko pang yaya upang magpakita ito sa akin ng harapan.

Ngunit pagdilat ko ng aking mga mata ay nagulat nalang ako na may batang lalaking nakangiti sa akin ng malapad at may bitbit itong sampaguita, tagpi tagpi rin ang suot nito na animo'y batang kalye. “Sa akin po? May surprise kayo?” Ngiting ngiti niyang tanong sa akin.

Natulala ako sandali dahil ewan ko kung anong susunod na gagawin ko.

“Oyy. Wag mong paasahin ang bata.” Dinig ko pang sambit nung pasaway na multong ayaw pang magpakita. Dahil to sa kanya eh.

Napangiti ako ng alanganin at nag isip ng gagawin.

Kinuha ko ang pitaka ko at nakitang may syitenta pa ako. Kinuha ko yung bente at itinira ang singkwenta. Iniabot ko ito sa bata bago ako nagsalita. “Opo. Bibilhin ko ang mga natitira mong sampaguita.” Saad ko pa. Kung di lang talaga ako mabait eh. Ayan tuloy, lampera na ako.

Ngumiti ng pagkalapad-lapad ang bata. “Talaga po? Yes! Makakauwi na ako. May pang ulam na kami.” Aniya at nagsususuntok sa hangin na tila ba nanalo sa isang loterya.

Napangiti ako, kuripot akong tao ngunit natutuwa ako sa mga taong natutulungan ko.

“Sige. Mauuna na ako.” Sambit ko pa. “Salamat po!” Ani ng bata. Ngumiti ako bilang respond bago tuluyang naglakad pauwi. Napatingin ako sa relo ako at saktong alas diyes na ng gabi. Patay ako neto sa mga tanod eh!

Minadali ko na ang paglakad tungong sakayan at nung may makita akong sasakyang paparating ay wala na akong sinayang na oras saka agad itong pinara bago ako sumakay.

Lima lang kaming sakay kaya di gaanong masikip. Bago ako nag abot ng bayad ay pinagmasdan ko muna ang mga katabi ko at sinigurado kong hindi sila multo. Mahirap na, baka maulit muli.

Pumara ako sa kantong dadaanan ko pauwing bahay. Dahil nga alas diyes ay tahimik na ang lugar na to. Takot ata sa mga tanod. Aba'y siyempre, pag nahuli ka eh dun ka pansamantalang patutulugin sa selda nilang kinalawang. Naku talaga!

Wala na akong nadatnang pedicab kaya sa muling pagkakataon ay nilakad kong muli ito. Halos lakad takbo ang ginawa ko dahil tiyak, lagot ako kay kuya neto.

“It's you again!”

“Ay palakang adobo!” Napahawak ako sa dibdib ko ng may biglang magsalita sa gilid ko. Si Jeriche. Nasa loob siya ng kotse na may mabagal lang na takbo at tila sinusundan ang paglakad ko.

“Ano ba! Ba’t ka ba nanggugulat ha?” Inis ko pang sabi. Aba! Di ako konsintidor kaya di ko siya kokonsintihin sa ginawa niya kahit crush ko pa siya ng hard!

Sus. Kunwaring inis, style mo oy. Bulok!”  Aba'y ako talaga iniinis ng multong to ah. Kanina pa siya ah. Nagtitimpi lang ako pero ngayon, sabog na sabog na.

“Anong kunwaring inis?! Nakakainis talaga!” Sigaw ko pa ngunit tila binuhusan ako ng malamig na tubig nung biglang nagsalita si Jeriche. Nalimutan kong nandiyan nga pala siya. Nawala tuloy bigla ang inis ko. “I didn't say anything. Sorry okay?.” Aniya. Letcheng multong to. Sirang sira na image ko. Sirang sira na talaga.

“Hahahahahaha!” Nakakaasar na tawa pa ng pasaway na multo.

“Sorry din nasigawan kita. Bye, nagmamadali kasi ako.”  Sabi ko pa at tumakbo ngunit sa kabila nito ay naabutan pa rin ako ni Jeriche, siyempre, kotse eh. “Hop in! Gabi na.” Aniya.

My Guardian Ghost (Completed)Where stories live. Discover now