Isang multo na ang natulungan ko. Multong, ayaw pang-umalis dahil sa kagustuhang malinisan ang kanyang lapida. Maliit na bagay kumpara sa iba pero para sa mga multo, isang malaking bagay na'to para sila ay manahimik na.

Sa kaso ni Angelie, mukhang matagal na siyang hindi nadadalaw kaya ganon nalamang ang naging kahinatnan ng kanyang lapida.

'Mabisita lang ang mga pumanaw, ay masaya na sila dahil ramdam nilang sila'y mahalaga pa rin.'

Ilang saglit lang matapos akong maglinis ay nagdesisyon na akong umalis. Medyo kinilabutan na kasi ako sa sementeryong yun eh.

Kanina nga lang habang naglilinis ako, ramdam kong may nakatingin sa akin. Siguro mga dalawa ata sila o tatlo? Ewan ko. Ayoko kasi silang tignan. Natatakot ako.

Naglakad na ako tungong sakayan, uwian na ng iba't ibang paaralan kaya't siguradong punuan ngayon, medyo malayo-layo pa naman tong sementeryong to sa bahay namin kaya di pwedeng lakarin.

Ilang sandali pa akong nakatayo't naghihintay bago ako tuluyang nakasakay sa jeep na may dalawang sakay.

Naupo ako sa dulong bahagi nito, malapit sa labasan katabi ng isang lalaking kaedad ko lang yata at kaharap ko naman ang isang Ale na may dala-dalang bayong.

Gosh! I'm exhausted. Kapagod maglinis ah? Pero at the same time naman, natuwa ako para sa multong yun.

“Pakiabot ho.” Saad ko pa sa lalaking katabi ko, hindi ako ito nilingon kaya't mas nilaksan ko pa ang pagsalita.

“Kuya pakiabot po.” Ngunit di pa rin ako nito nilingon. Ako nabubwesit sa gantong klaseng pasahero ah! Maya-maya pa ay napansin ko na nakatingin sa akin yung kaharap ko na tila nagtataka kaya napakunot naman ang noo ko.

“Ba't hindi nalang ikaw ang magbayad doon iha?” Saad ng Ale. Naku! Paano ako makakabayad kung may nakaharang naman sa tabi ko? Napatingin ako sa tabi ko at laking pagtataka't kilabot ang naramdaman ko.

Yung.. yung katabi ko, nawala!

Nagpalingon-lingon ako at dalawa nalang kaming pasahero. The heck? Nasaan yung katabi ko? Don't tell me..
Naku talaga! I gave the woman an awkward smile, saka umusog papunta sa likod ng driver para magbayad.

Nakakahiya peste!

“Para ho manong.” Saad ko saka iniabot ang bayad kay manong, ngunit may nahagip ang mga mata ko na mahirap idigest ng utak ko.

Nung napatingin ako sa sidemirror ng sasakyan nitong jeep na sinasakyan ko, nakita ko ang repleksiyon ng isang lalaki na nakatingin sa akin na nakakatakot sa pakiramdam.

Maputla ito at palagay ko isa itong multo. Medyo madilim sa bahagi ng kanyang mata kaya tanging maputlang labi niya lang ang nakikita ko.

Ilang saglit pa kaming nagkatitigan nang biglang nagsalita si Manong. “May bababa ba?” Aniya. Kaya naman napakurap ako, tama nga pala. Pumara ako. “A-ako h-ho.” Saad ko at napasulyap ulit ako sa salamin ngunit wala na yung lalaki, kaya dali-dali akong bumaba sa pinagparahan ko.

Gosh! Ba't parami ng parami ang mga multong nakikita ko? Hayst. Buti nalang at wala akong sakit sa puso kundi naku! Matagal na akong sumunod sa mga yapak ng multong nakikita ko.

Naglakad ako papasok sa isang kanto kung saan medyo may kadiliman at di gaanong matao, hindi na ako sumakay ng pedicab kahit pa may dalawang kalye pa akong madadaanan bago ako tuluyang makarating sa bahay namin. Sayang sa pasahe eh.

My Guardian Ghost (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu