Lingon ako ng lingon syempre bata eh, wala pa kaya akong kamuwang-muwang sa mga ganyan, pero wala naman akong makita kaya binalewala ko lang to.
Namatay kasi si Lola by brain cancer eh.

“Antonio. Wag mong pababayaan anak ko ah?.” Boses ulit ni lola. Unti-unti nang bumubuo ang takot sa aking sistema.

Hanggang sa samu't sari na ang aking naririnig sa sementeryong yun.

"Laro tayo.."

"Huhuhuhu!''

" I love you, you love me..."

Nang di na ako makapigil ay tumakbo na lang ako pauwi dahil sa takot. Buti nalang at kahit papaano ay di ako nawala.

Nagkulong ako sa kwarto iyak ng iyak at sa hindi inaasahan dinalaw ako ni Lola.

“Jellay Iha, ba't ka ba kasi tumakbo libing ko pa naman sana.” Napatigil ako sa pag-iyak. “Lola?” Takang tanong ko at pilit na hinahanap siya kahit na takot ako. “Naririnig mo ako?” Aniya. Napatango nalang ako bilang sagot.

Kaya Simula nun nalaman kong pwede pala akong makipagusap sa multo 8 years old ako nang nagsimulang makarinig ako ng multo and years had passed, nagulat nalang ako na isang araw ay nakikita ko na sila, siguro I was 10 years old that time. Bale, 10 years old ako nung nabuo ang abilidad ko, I can see them, I can hear them, and worst I can touch them.

“Ms. Yhanna Jell Amando? Are you paying attention to the class?.” Natauhan ako ng biglang isigaw ni Ma'am ang buong pangalan ko at nakita kong lahat sila ay nakatingin sa akin at yung iba naman nagbubulungan pa.

“Ahm. Yes ma'am.” Saad ko at napayuko nalang sa kahihiyan. “While I'm discussing here in front, nakatulala ka lang sa bintana. ” Aniya at pailing-iling pa.

“Kung nakikinig ka nga, What is the difference between the weather and climate?” Tanong niya. Patay. Anong isasagot ko? Wala kasi ako nakinig. naman naman eh. Napalingon ako sa katabi ko nang may naramdaman akong umupo and to my surprise? It's a ghost!

Di ko alam kung nakita niya akong napatingin ako sakanya, iniiwasan ko kasi talagang malaman ng mga multo na nakikita ko sila. Kinakabahan ako.

*kriiiiinnnggggg..*

Yes save by the buzzer! Salamat naman at uwian na.

“Listen next time Ms. Amando, class dismissed.” Saad ng guro bago tuluyang umalis. Tumayo na ako at iniligpit ang aking mga gamit saka lumabas na ng silid. Naramdaman ko sa aking peripheral vision na pinapanood ako ng multong umupo sa katabi ng upuan ko kaya binilisan ko ang pagliligpit. Gosh! It was creepy.

Habang naglalakad, marami akong naririnig na bulung-bulungan tungkol sa pagiging werdo ko. Haysh sarap tahiin ng Tsismosa nilang bibig. Tapos sarap dukutin ng mapanghusga nilang mga mata.

Nagsimula na akong maglakad papuntang sakayan. Maglilinis pa kasi ako ng lapida nung Angelie.

Pumara ako ng Jeep at sumakay na ako. Kaya ayaw ko talaga tong may nakakaalam sa mga multo na nakikita ko sila eh, masyadong hassle.

Nang makarating na ako sa sementeryo ay nagsimula na akong maglinis, hay! Nakakaawa naman halos matakpan na ng kung ano-ano tong kanyang lapida at tuyong-tuyo na ang mga bulaklak.

Salamat, aalis na ako... ” Ang huling dinig ko sa boses ni Angelie ng matapos ko na itong malinisan at wala nang maramdamang presensya niya. Napangiti nalang ako.

My Guardian Ghost (Completed)Where stories live. Discover now