“Actually pinasara ko ang Beach for today para sa preparations ng Special Night mo magpro-propose ka na ba?”tanong sa akin ni Jason ngumiti naman ako, Kung pwede lang akong magpropose ginawa ko na pero hindi pwede dahil una may kasal na siya at may sariling pamilya at pangalawa naman ay labag sa batas.

“No hindi pa ako magpro-propose it’s just a Special Date para sa kanya pero speaking of propose, Kamusta na kayo ni Ashlyn?”tanong ko sa kanya habang kumukuha kami ng pagkain sa Buffet. Umiling naman si Jason may problema siguro.

“Ayun nga nag-aaway kami kung saan gaganapin ang Wedding namin ang gusto kasi ni Ashlyn eh Beach Wedding and i prefer Outdoor Wedding napagsabihan pa nga kami ni mama na baka ito raw ang dahilan ng hiwalayan namin.”sabi ni Jason at napakamot sa ulo niya habang naglalakad kami sa isa sa tables dito. Natawa naman ako dahil simple lang ng pinag-aawayan nila.

“I suggest the Beach Wedding then yung Reception niyo eh Outdoor simple lang ng problema niyo pinapalala niyo pa.”sabi ko sabay subo ng pagkain ko. Natawa naman si Jason sa sinabi ko kasi tama ako.

“Ang galing mo pare! Talaga nga naman hindi ka makakapag-isip ng maayos kapag nandoon ka na mismo sa pagpaplano.”sabi ni Jason at umiling na lang ako habang kumakain. Nagulat na lang ako ng magsalita ulit si Jason.

“Nga pala may alam ka bang Designer ng Wedding Dress at Tuxedo?”tanong ni Jason sa akin at ang unang pumasok sa isip ko ay ang Couture Boutique ni Cornelia.

“Meron sabihin ko na lang sa iyo bukas.”sabi ko kay Jason.

“Sige pero may itatanong ako, Pinapapunta raw ako ni Tito Carlos sa inyo bakit daw?”tanong ni Jason at buti na lang pinaalala niya.

“Ay Oo buti pinaalala mo pinapapunta ka ni Papa sa bahay may iaalok siya sa iyong proposal for this resort.”sabi ko kay Jason and we talk about the business here in Hotel & Resort, Ayos naman daw ang business since holiday na.

After naming kumain dumiretso agad kami sa Beach para makita ko ang preparations sa Date namin, Yung Dress naman pinahanda ko na sa isa sa Hotel Rooms dito para dalhin doon si Amelia for her grooming. Kinuha ko na rin ang phone ko para tawagan si Amelia since 2pm na kailangan niyang makapunta dito before sunset.

“Anong oras ang Sunset Jason?”tanong ko kay Jason habang nasa tenga ko ang phone ko at nagri-ring.

“6:35 pm.”sabi niya ngumiti naman ako saktong tatlong oras kasi ang biyahe mula sa City papunta dito sa Hotel & Resort namin.

“Hello.”papungaspungas na boses ni Amelia sa kabilang linya, Natawa naman ako bagong gising ata.

“Hello kagigising mo lang?”tanong ko sa kanya narinig ko naman siyang tumawa bago banggitin ang pangalan ko.

“Tristan!”sigaw niya mula sa kabilang linya, Halata sa boses niya ang pagka-excite na maka-usap ako.

“Yes? Haha anong oras ka na ba nakatulog kagabi at ngayon ka lang nagising?”tanong ko sa kanya tumawa naman siya and that laugh is music to my ears.

“Hindi nakatulog lang ako kaninang after lunch oh bakit ka napatawag?”tanong niya at nagbago ang timpla ng mukha ko. Nakalimutan niya ang usapan namin ngayong sabado.

“Hello Tristan? Nandyan ka pa ba?”tanong niya sa akin at bumuntong hininga ako saka ko siya sinagot.

“Oo nandito pa ako, Nakalimutan mo bang sabado ngayon at may surprise ako sa iyo?”sabi ko sa kanya at narinig ko siyang napa-gasp. Napangiti naman ako ang cute niya siguro habang nanlalaki ang mata at yung pag-gasp niya.

My Guy (series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon