I can't help but to laugh about her drama.

Hawak hawak si Sammy ay lumapit ako.

"Grabe naman, si Sammy lang ang namiss niya oh." Bungad ko.

Napalingon naman sila at agad na nanlaki ang mga mata nila.

"Oh my God! Sammybear!!!" tili nito habang papatakbo kay Sammy with open arms.

"Mamita!! I miss you." Sabi naman ng anak ko at mangiyak ngiyak naman si Mommy na pinahahalikan ito.

"Sammybear, I missed you too! Oh my! I'm so shook right now. I can't help but to cry. Huhu." She emotionally said. Naiyak rin ako, sobrang nakakamiss rin naman talaga sila Mommy dahil sila talaga ang pinakasandalan ko, we lived with them for 5 years kaya sobra talaga ang attachment namin and halos sila talaga ang naging hands-on sa pag-alaga kay Sammy whenever I need to go work.

Tumayo naman si Daddy saka lumapit sa akin at yakapin ako at akbayan.

"Pagpasensyahan mo na ang Mommy mo at namiss lang ang apo niya. Buti nalang at pumunta kayo dahil mukhang mapapagastos ako pumunta ng Pinas." Natatawang sabi ni Daddy.

Ngumuso naman ako dito saka kinurot ang pisngi nito.

"Heh, akala mo naman ikahihirap mo ang pagdalaw niyo ni Mommy sa Pinas. Kahit ata every week ay kaya niyong pumunta ng Pinas na hindi naghihirap eh." Kulit ni Daddy, at sa kanya ata si Sammy nagmana ng pisngi kaya paborito ko ang face ni Daddy, siopao while Mommy has this slim face.

Tumawa naman si Daddy saka ako hinalikan sa pisngi.

"Ayaw ko kaya mabawasan ng kahit ilang sentimo ang ipapamana ko kay Sammy." Biro pa nito.

"Heh." Mas lalo itong tumawa.

Halos papakin na ni Mommy si Sammy sa halik dahil hindi na talaga nito pinakawalan ang anak ko.

"Mommy naman!" angot ko rito at natatawang humiwalay naman ito kay Sammy at lumapit sa akin.

"Ako kaya ang anak mo." Parang bata kong sabi rito, lumapit naman ito sa akin at yumakap.

"I miss you both, of course. But I missed Sammy more siya na kasi ang baby ko ngayon." Sabi nito saka kumalas ng yakap.

Sobrang saya talaga ni Mommy. Halos hindi na nga niya ako kinamusta at puro si Sammy ang kasama while si Daddy lang ang nakamusta ko at nakausap ko.

"Tignan mo 'yang Mommy mo, mamaya aalis na 'yan sila ni Sammy. Ipagsha-shopping na siya." Natatawang sabi ni Daddy.

Sobrang spoiled ni Sammy kina Mommy kung pwede lang every day ipagsa-shopping nila si Sammy, gagawin nila.

Pero sinabihan ko na 'yan sila Mommy na wag masyadong i-spoil baka masanay. I know they can afford and give everything to Sammy pero syempre they have to limit naman dahil baka masanay si Sammy na nakukuha ang lahat which is hindi pwede. He has to learn na ang mga bagay bagay minsan ay nakukuha rin sa tiyaga. Hindi porket mayaman kami ay lahat nadadaan sa pera. Ayaw kong lumaki si Sammy na masyadong mapangmataas at asa nang asa. Hindi ganun ang buhay, minsan man ay may siniswerte talaga pero halos lahat ay dinadaan talaga sa sipag at tiyaga.

Birthday ni Mommy pero si Sammy ang may mga regalo. Gabi na at kakauwi lang nila Mommy. Pinagshopping niya si Sammy at since birthday niya at ngayon niya lang ulit nakasama si Sammy ay pinagbigyan ko na. Baka magtampo ang lola.

Kinagabihan ay saka lang ata ako napansin muli ni Mommy.

"I'm so happy talaga Elle, this is the best day gift ever. Akala ko na kayo makakasama ni Sammy sa birthday ko." Maluha-luha pa si Mommy sa pagkwento.

"Pero teka, how about William? I think I've seen him somewhere pero diba kasama niyo siya?" nagtaka naman ako sa tanong niya. I know naman na babalik na si William rito pero sabi niya siya na magsasabi kay Mommy about what happened.

"We decided to break, mom." Sabi ko rito at kita ko ang gulat sa kanila ni Daddy.

"What? May ginawa ba siya sa'yo?" gulat na tanong nila.

Umiling -iling naman ako. "No, mom. Alam niyo kung gaano kabait si William as a person. Nagkaroon lang kami ng misunderstanding then things get complicated at 'yun he decided to let me go..." kwento ko rito, nanatili naman silang tahimik habang nakikinig.

"Si Lance po kasi..." umpisa ko.

"Medyo naguluhan po kasi ako sa mga nararamdaman ko nakaraan and I think napansin 'yun ni William kaya po nagawa niyang I-let go ako dahil nakikita niya raw po na mas masaya ako kay Lance....Kahit naman na ayaw ko.."

Matagal na hindi nakaimik ang parents ko.

"Ayaw mo nga ba?" unang nagtanong si Mommy at hindi naman ako nakaimik.

"Mahirap kasi 'yan anak. Hindi naman kasi pwedeng matanatili si William if nakikita niyang mas masaya ka kay Lance. Hindi nagsisinungaling ang puso anak, sometimes we have to let go the person we love not because we don't love anymore but we just want the best for them kahit na hindi tayo 'yun." Dad explained.

I know. Sobrang minahal ako ni William higit sa inaasahan ko.

Minahal ko rin naman si William. Minahal ko siya, hindi nga lang sapat.

"What about Lance?" biglang tanong ni Mommy sa gitna ng pag-uusap namin.

"Ang alam niya hindi na kami babalik sa Pilipinas."

"Why did you do that? Alam na ba niya ang about kay Sammy?" sunod sunod na tanong nito.

"Alam na niya Mommy, pero hindi pa po alam ni Sammy." Sabi ko.

Tulog na kasi si Sammy, dahil rin siguro sa pagod samantalang ako ay gising na gising pa dahil naninibago siguro ako.

"Oh my. Bakit naman hindi mo naman sinabi ng maayos kay Lance?" tila naasar pa si Mommy sa akin. Sino nga ba talaga ang anak niya? Ako diba?

"Mommy...paano ko sasabihin if 'yun na ang iniisip niya at what's worst? Itong huling 5 araw namin hindi man lang siya nagpakita." Kwento ko rito parehas naman napailing ang magulang ko.

"Ewan ko sa inyong dalawa." Sabi nalang ni Mommy.

"Hon, matulog na tayo. Elle, ayusin mo 'yan. Malaki ka na at alam mo na ang gagawin mo." Sabi naman ni Daddy saka tumayo na at inakbayan si Mommy na nag-goodnight na rin.

Habang papalayo sila naisip ko, gusto ko rin ng tulad ng pagmamahalan nila.

Happy and contented and the most important they love each other despite ng mga napagdaanan nila.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now