Chapter 27

1.4K 71 5
                                    


Jean Kaye Emerson

Ilang araw na ang lumipas mula nong umalis si Jill at Anne papuntang California para tuparin ang pangarap nilang magka-baby.

Ang bilis ng panahon. Mga estudyante lang kami noon pero ngayon, bubuo na ng pamilya si Jill at Anne, kami ni Mira Jane ay malapit na ring ikasal at si Jo mukhang natagpuan na rin niya ang taong pakakasalan niya.

Sa susunod kami naman ni Mira Jane, tutuparin namin ang mga pangarap naming dalawa.

Ang babaeng minahal ko ng totoo, ang babaeng dahilan kung bakit ako nagbago at ngayon siya ang dahilan kung bakit ako masaya.

"Jean, ang lalim ng iniisip mo. May problema ka ba?"napatingin ako kay Mira Jane na abala sa pagmamasa ng harina.

Nandito kami sa bagong shop niya at busy ang mga empleyado rito. Habang ako nakikigulo lang.

"Ganyan mo ba i-interpret ang itsura ko, Mira Jane?"

Napangiti siya at patuloy siya sa pagmamasa ng harina.

Napakaganda niyang pagmasdan. Habang nakapusod ang buhok niya at may suot na hairnet. May mga baby hair na nakalabas sa batok niya kaya lalong bumagay sa kanya.

"Baka kasi may iba ka nang iniisip. Kinakabahan lang ako, Jean."

"Wala naman mahal ko. Masaya lang ako kasi nasa tabi kita. Napagmamasdan kitang mabuti."

"Jean, baka ibang titig na naman yan ah?"

Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.

"Masama ba kung titigan kita ng malagkit?"

Iiling-iling siya habang natatawa at nagpatuloy siya sa ginagawa niya.

"Siya nga pala mahal, hinahanda ko na ang lahat para sa nalalapit nating kasal. Magpapagawa tayo ng gown mo at ikaw ang magiging piiiiiinakamagandang bride sa buong mundo!"

Nilingon niya ako sabay pahid ng harina dito sa ilong ko.

"At ikaw rin ang piiiiiinaka......ano ba tawag sayo kapag kinasal tayo Jean? Ako ang bride tapos ikaw ang...?"

Napakunot noo ako.

"...di bale na nga! Walang ibang tawag sayo kundi impakto lang talaga! Ako ang bride, ikaw yong impakto!"

Naningkit ang mga mata ko, pero natatawa ako.

"Pasalamat ka Mira Jane mahal kita! Kung ipagdiinan mo ang impakto parang ang pangit ng mukha ko, ah."

"Oo, pangit ka talaga! Kaya bagay tayo."

Aba!

Napapangiti na lang ako at kinuha ang mga ginamit niya sa pagmamasa. Ako na ang maghuhugas ng mga ito, wala akong magawa.

Impakto na ako since college kami. Iyon ang tawag niya sakin. Nasanay na rin ako at minahal ko na ang salitang iyan dahil yan ang tawag niya sakin.

Buti na lang hindi ako pangit. Dahil kung pangit ako tapos impakto pa ang tawag niya sakin. Ewan ko na lang! Baka tumira na lang ako sa puno ng balete.

Pakanta-kanta pa si Mira Jane habang gumagawa ng cake. Nawala ata sa isip niya na nandito ako sa likod niya.

Pinapakinggan ko ang kinakanta niyang love song.

Sabado ngayon, at kapag weekend gusto kong ilaan ang oras ko para sa kanya.

Nag-aaral na rin ang mga kapatid niya na sina Icel, Gino at Ico. Hindi na sila binalikan ng Papa nila. Pero okay na rin at may nakakasama ang Mama nila sa bahay.

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Where stories live. Discover now