Chapter 41

1.4K 50 0
                                    


Jean Kaye Emerson

"Umwah! Umwah!"hinahalikan ko ang mga talampakan ni Jera. Humahagikgik siya, pilit na iniiwas ang mga paa niya sa bibig ko. Nakahiga siya dito sa kama habang kinukulit ko siya. "....arhm arhm! Ahm ahm ahm!"

Kiliting kiliti siya nung ikiskis ko ang ilong at bibig ko sa tiyan niya.

"I'm your dada, and your name is Jera Kaye, hmm?"

Ngumiti siya. Yong kamay niya pilit na inaabot ang mukha ko kaya inilapit ko para mahawakan niya. Yong maliliit na kamay niya ay dumadampi sa mga pisngi ko.

Ang sarap pala magkaroon ng totoong baby.

Ito ang baby na habang buhay kong aalagaan at mamahalin. Hinahalikan ko ang mga pisngi niya.

"....umwah mwah mwah!"

Ang sarap ng tawa niya. Hinawakan ko ulit ang mga paa niya at saka hinalikan ang mga tuhod niya.

"....I love you, baby."sambit ko.

Nakatitig siya sakin habang napapangiti.

Oh God, ang hirap umalis sa tabi ng batang ito. Kahit ata maligo kakatamaran ko na dahil hindi ko maiwan ang mga ngiti at tawa ng baby ko. Humiga ako sa tabi niya at hinayaan siyang hawakan ang mukha ko. Pinipilit niyang dumapa, hinahayaan ko lang siya para matuto siya mag-isa.

"Jean, nakaready na ang bagahe natin. Okay lang ba si baby na bumyahe ng malayo?"

Umupo ako dito sa gilid ng kama nang magsalita si Mira Jane.

"Oo mahal, expressway naman ang daan natin. So, more or less four hours lang ang byahe. Don't worry mag stop over tayo sa lay-by para makapahinga si baby."

Tumayo ako saka ko kinarga si Jera.

"Okay. Mauna na akong magbihis, ha. Ikaw muna magbantay sa kanya."

Tumango ako at nagpunta na siya sa banyo.

Pupunta kami sa beach ngayon dahil reunion ng barkada at ang mga anak namin ay magkikita kita na. Kasama si baby Jamsen na anak ni Jo at ni Samantha.

After two hours naka-ready na kami at kahit si baby ay napakaganda ng outfit niya na short jumper na kulay dilaw at white na tshirt ang panloob niya. Ang Mommy Mira ay naka summer dress na plain yellow, ako naman naka t-shirt ng white at short na kulay gray.

Dahil kapag nagsuot pa ako ng dilaw na shorts ay baka magmukha na kaming prinitong itlog.

"Jean ayos lang ba itong suot ko?"

Pinagmasdan ko si Mira Jane. Above the knee ang suot niyang summer dress na bumagay sa kanya.

"Mahal, you don't have to be conscious, bagay na bagay mo yang suot mo."

"Thank you, Jean. Lagi mo akong pinupuri kaya feeling ko tuloy ako ang pinakamaganda."

"Ikaw ang pinakamaganda sa lahat!"diin ko.

Ngumiti siya.

"Impakto ka talaga, love na love kita kahit pangbobola mo pinapaniwalaan ko na."

Ako naman ang napangiti.

"Hindi ako nangbobola. Lagi kong uulitin kung gaano ka kaganda, and I love you."

"I love you too, impakto...."bulong niya sabay kiss sa pisngi ko. Sweet!

Inilapit ko naman ang labi ko sa labi niya para dampian siya ng halik. Isang madiin na halik ang ibinigay ko kay Mira Jane. Papunta na kami sa sasakyan, dala-dala ko ang ibang bagahe. Karga naman niya si Jera.

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang