Chapter 9

3.1K 115 8
                                    


Jean Kaye Emerson

SEVEN O'clock in the morning. Maagang bumangon si Mira Jane. Sobrang aga, usually seven-thirty ako bumabangon kaya may thirty minutes pa ako para humilata, pero mas nauna pa siyang bumangon sakin. Ayoko pa sanang tumayo pero gusto ko nasa tabi ko lagi si Mira Jane kaya bumangon na ako. Hindi naman ako nagmamadali na pumasok sa trabaho dahil wala akong gagawin this morning. Sa hapon pa ang meeting ko with clients.

"Mira Jane...mahal?" pababa na ako ng hagdan. Naaamoy ko na yong niluluto niyang tinapay.

"Andito ako sa kusina, Jean."

May hawak siyang pot holder at habang palapit ako sa kanya ay nakangiti na ito. Mukhang maganda ang gising niya. Kung ganito ba naman ang mapapangasawa mo, titino ka talaga sa pagiging babaero. Dati palaban lang siya, ngayon maalaga na. Pinagluluto na ako ng masarap na tinapay.

"Ang aga mo naman bumangon."sabi ko paglapit ko sa kanya at hinalikan ko siya sa noo niya.

"Nagluluto ako ng tinapay agahan natin."

Yumakap ako sa likod niya at iniyakap ang mga kamay ko sa tiyan niya.

"I like that. Masarap kapag freshly baked."

"Syempre, nakakahiya naman sa kamahalang impakto na pakainin ko ng matigas na tinapay."

"Dati kanin na matigas lang ang pinapakain mo sakin tapos ang ulam ay menudo na lasang adobo."

"Dati yon, nong mga panahon na panay pa ang papansin mo sakin."

"Huwaw! Dati kasi akong sira-ulo."

"Hanggang ngayon naman sira-ulo ka pa rin, impakto."

Umupo muna ako habang pinagmamasdan ko siya. Dati nong college pa kami napakaburara niya sa kwarto. Napaka-kalat talaga niya, ngayon nagiging masinop na siya. Natatawa ako kapag naaalala ko ang college days namin andaming nakakatawang pangyayari sa buhay namin noon. Yon lang kasi ang magagandang memories na meron ako kasama siya.

Masarap balik-balikan ang mga ala-alang iyon. Mula noon hanggang ngayon ay hanggang langit ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi iyon nagbago. Ngayon lang ako nakakabawi sa kanya, kaya lahat ng pwede kong gawin na ikakasaya niya ay gagawin ko.

"Siya nga pala mahal, sa mga susunod na araw magiging busy ka."

"Mhm? Bakit?"

"May mga ire-recommend akong customers sayo at tingin ko kakailanganin mong magdagdag ng mga tao."

"Talaga, Jean?"

"Yeah, yong mga kukunin mong tao sila rin naman ang ilalagay mo sa bago mong shop baka in less than a month matapos ang renovation non. Don't worry may uutusan akong tao para mag ayos ng mga permits para hindi ka na mahirapan pa."

"Love mo talaga ako impakto."

"Of course, at hindi ko hahayaan na langawin yang mga paninda mo."

Bigla siyang sumimangot. Natatawa naman ako sa reaksyon niya. Nagbibiro lang naman ako na lalangawin ang mga paninda niya. Sa totoo lang kahit wala ang tulong ko marami siyang sales sa isang araw, kaya lalo akong humahanga sa kanya.

"Mira Jane, I think mag focus ka sa cup cakes. Pagandahin mo lalo ang packaging. Tutulungan kita na ipasok yon sa mga super markets, sa mga convenience store though pwede ka pa rin naman gumawa ng cake para sa mga walk-in customers mo, pero kung gusto mong lumaki ang market mo dapat mag isip ka ng mga product na pwede mong i-supply sa mga stores at pwede rin pang export."

"Impakto napakatalino mo talaga."

"Syempre, sa negosyo kailangan mong gumamit ng utak."

"Hmp alam ko!"

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang