Chapter 13

3.4K 116 5
                                    

Mira Jane Garcia

ANDITO kaming dalawa sa bagong shop ni Jean Kaye, on going ang renovation. Naka suot kami ng face mask kasi sobrang alikabok dito sa loob.

Sinimulan nila ito after namin mag-signed ng contract.

"Mira Jane what if dito mo na lang gawin lahat ng mga products mo tapos magsupply ka na lang doon sa lumang shop mo ng mga finished products. Tapos dalawang tao na lang ang maiiwan don para magbantay."

"Mas okay pa nga Jean, para hindi ako mahirapan."

"Aayusin natin lahat, baka sa susunod factory na ang ipatayo mo."

"Grabe ka Jean. Hinay hinay lang baka yumaman ako agad."

Natatawa siya.

"Mayaman ka na Mira Jane dahil ako ang mapapangasawa mo."

"Talaga Jean? Kung ganon tawagin mo na akong Madam!"

Tawa siya ng tawa.

"Pangit ng Madam, ano ka matanda?!"sabi niya.

"Sige tawagin mo na lang akong Donya."

"Ganon din yon! Manahimik ka diyan kung ayaw mong tawagin kitang Puring!"

"Hmp! Puring ka diyan. Ayoko non."

Sabi nga niya mayaman na ako.

Kung ganon hihilata na lang ako sa bahay!

Natatawa tuloy ako sa naiisip ko.

Kausap niya si Engineer. Habang ako patingin-tingin lang sa mga ginagawa nilang pag aayos.

"Okay na, kailangan lang araw-araw natin icheck ito para malaman natin kung sinusunod nila ang nasa plano."

"Sige Jean, ako na lang pupunta rito kapag busy ka."

"No way! Hindi ka pupunta rito ng mag-isa. Mag-lalaan ako ng oras para samahan ka."

"Salamat Jean."

"No problem. Basta ikaw mahal ko."

Naglakad na kami patungong parking.

"Katulad ng sinasabi ko sayo, kailangan mong matutong magdrive para anytime magagamit mo iyon sa pagtransport mo ng mga products mo."sabi niya habang naririto kami sa loob ng kotse niya.

"Oo sige, payag na ako."

Magaling talaga si Jean Kaye pagdating sa negosyo. Ang dami na niyang naitulong sa akin. Siya na rin ang nakipag-coordinate sa mga agency na nagpo-provide ng manpower para sa mga kakailanganin na new employees, pati mga machineries at iba pang mga gamit sa bagong shop ay siya na ang nag-aasikaso.

Meron din siyang kinuhang tao na mag-a-assist sa akin kapag busy siya sa trabaho at hindi ko siya kasama.

Mukhang malapit na akong maging mayaman!

Napapangiti ako sa sarili ko.

Ambisyosa kasi ako!

Ayoko namang umasa lang sa pera ni Jean. Gusto ko may sarili akong pera. Yong pinagpaguran ko talaga.

Hindi na ako nagpunta ng shop, isasama raw niya ako sa office niya ngayon.

Andon naman si Mama at yong assistant ko sa shop kaya sila na muna ang bahala roon.

"Parang wala kang mga business trip ngayon, Jean?"

"Iniiwasan ko muna, dahil ayoko na maiwan kang mag isa sa bahay. Gusto ko lagi kitang kasama. Sinusulit ko ang mga araw na kasama kita."

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Where stories live. Discover now