Chapter 17

1.7K 81 1
                                    


Jean Kaye Emerson

"Impakto! Ako o ang kotse mo?"

Tumaas ang kilay ko kay Mira Jane. Siya o ang kotse ko? Ano bang pinagsasabi niya?

"Syempre ikaw!"sagot ko.

"Kung ganon, akin na yang susi mo kasi magda-drive ako!"

Naningkit ang mga mata ko. Ayaw talaga niyang tumigil. Sinabihan ko na nga siyang ibibili ko siya ng kotse, eh!

Tsk tsk tsk, mayaman problem!

Binabagalan ko ang pag abot ng susi sa kanya, baka sakaling magbago pa ang isip niya.

"Impakto bilisan mo!"

Naku naman talaga, banyo queen! Ikaw lang nakakagawa sakin nito!

"Eto na!"ibinigay ko ang susi sa kanya. ".....please, kahit ang susi ayoko na magasgasan Mira Jane be careful, ha?"

Tumango tango siya, oh God help me!

Sumakay na kami dito sa loob, siya sa driver seat at ako dito sa passenger seat.

"Place it here."itinuro ko ang slot kung saan niya ilalagay ang susi. "....and then swipe this to start the engine."

Itinuro ko sa lower part ng steering wheel, dahil digital ito isang swipe lang ng daliri ay mabubuhay na ang makina ng kotse.

"Wow, madali lang pala ito impakto."

"Oh really?"

Tumango siya.

"Pwede na ako mag drive?"

"Sure, dito ka lang muna sa loob ng subdivision, ha? And I just want to remind you twenty KPH lang ang dapat mong takbo dito sa loob, hey hey hey! Mira Jane, yong wiper napindot mo! Oh my!"

"Ay sorry!"

"Noooooooo!" Napasigaw ako.

Sunod naman yong side mirror na nag bubukas-sara.

".....relax, Mira Jane."hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ata ang kotse ko ang unang masisira kundi ang utak ko. Anong pinaggagawa ng mahal ko?!

".....tumingin ka sakin."

Pagtingin niya sakin ay pinisil ko ang kamay na hawak niya.

".....magrelax ka lang, huwag kang kakabahan okay?"

"Okay Jean."

Napapangiti ako sa loob ko. Ayoko mang aminin pero kapag sinabi ni Mira Jane ay napapasunod ako. Isipin mong ipapadrive ko sa kanya ang kotse ko kahit baguhan lang siya.

Tanda ko pa nong binuhusan niya ng pulbos ang loob ng kotse ko nong college kami.

Hay mangiyak iyak ako noon pero iba talaga ang tama ko sa babaeng ito dahil kahit anong gawin niyang sakit ng ulo, ay nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya.

Nagsimula na siyang magdrive, walang hiyang Paul na iyon! Hindi ata tinuruang maigi si Mira Jane, akala mo rough-road ang dinadaanan namin dahil sa kakapreno niya ay para akong laging nasusubsob.

Kung magiging emoji lang ang mukha ko malaman crying emoji na ang ekspresyon ng mukha ko.

"Mira Jane kapag aapakan mo ang preno dahan dahan lang huwag mong bibiglain para hindi tayo naghe-head bang okay? Nahihilo na ako...aaaiiiikkk!!!"

Bigla siyang pagpreno!

Kasasabi ko lang eh na huwag bibiglain!

"Jean okay ka lang ba?"

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Where stories live. Discover now