Chapter 12

2.8K 103 18
                                    

Jean Kaye Emerson

Ngayon eto nag-iinuman na kami. Napapailing na lang ako.

"Tinatawagan ko si Jo, pero di nasagot ng call. Si Jill di rin pwede kaya tayo lang talaga."si Frances.

"Huwag mo na tawagan si Jo, baka nakikipag-chukchakan pa yon. Alam mo naman ang hilig non, ahaha!"

"Gago ka Jean! Ayan na pala si Wendy, eh."

Nangasim ang mukha ko nong makita ko si Wendy. Lumapit siya sakin at bumeso.

"Bati na tayo, Jean. Pinapatawad na kita."

Kaaway ko yan eh!

"Talaga ba!"

"Oo. Ay, gusto kong kumanta."

"Eh di kumanta ka! Boses palaka!"sabi ko sa kanya.

Aba, wala siya sa mood makipag away ngayon dahil di niya pinansin yong sinabi ko. Umakyat siya sa stage at kumanta na.

Tahimik lang ako, habang ang mga kasama ko ay masayang nag-i-inuman.

Hay nakakainis naman kapag ganito. Namimiss ko na si Mira Jane. Gusto ko ng makipagbati sa kanya.

"Bakit naman ganyan kalungkot yang mukha mo Jean? Magkakabati rin kayo ni Mira dahil mahal na mahal ka non, kahit nong wala ka rito sa bansa. Ikaw ang mahal na mahal niya."si Yana.

"Talaga?"

"Oo naman. Hindi ka nakalimutan ni Mira kahit isang saglit nakikita ko yon sa mga mata niya."

"Inu-uto mo lang ako Yana."

Pero ewan lumulukso ang puso ko sa naririnig ko. Mahal ako ni Mira Jane....

"Hindi kita uutuin. Tingin mo ba maghihintay siya na bumalik ka rito kung hindi ka niya mahal? Mas natatakot nga kami sayo kasi baka ipagpalit mo siya agad kasi maraming babae sa U.S."si Yana.

"Kung ganon makikipagbati na ako kay Mira Jane! Guys uuwi na ako. Makikipagbati na talaga ako sa kanya."

Namimiss ko na kasi siya.

"Okay Jean, salamat sa painom."si Yana.

"Walang anuman. Bumula sana mga bibig niyo! Mga hampas-lupa!"

"Sana di makipagbati si Mira sayo para bumalik ka rito."si Ellaine.

"Kapag di siya nakipagbati sakin ihanda mo yang sarili mo. Dahil ililipat ko yang suso mo sa noo mo!"

Ngumiti lang siya saka niya ako hinalikan sa pisngi.

Gaga talaga tong si Ellaine!

Isa isa silang bumeso sakin. Nagflying kiss na lang ako kay Wendy na mangkukulam.

Kumaway lang siya.

Hindi naman ako naglasing, napagastos lang talaga ako.

Nagbiyahe na ako pauwi.

Pagdating ko ng subdivision dito sa bahay ng Mama ni Mira Jane ako nag doorbell.

Sigurado ako andito si Mira Jane. Galit yon sakin. Pero susuyuin ko na siya.

Kelan ba ako sinuyo non?

Nakailang doorbell ako hanggang sa nakita kong bumukas ang pinto.

Si Mira Jane!

Lumukso na naman ang puso ko nong makita ko siya. Ganito ko ba talaga siya kamahal? Makita ko lang siya nagiging masaya na ang puso ko.

"Ano? Mangiinis ka na naman ba?"

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Where stories live. Discover now