Chapter 42

1.2K 49 0
                                    


Mira Jane Garcia

"HAPPY FIRST BIRTHDAY, JERA KAYE!!!"ang mga bisita. Karga ko siya at inilapit sa kanya ni Jean ang cake para hihipan ang candle nito pero tinititigan lang niya, mukhang hindi pa niya naiintindihan ang nangyayari.

Nagpout lang siya, kaya ang dada Jean na ang humihip ng candle.

"Happy birthday Jera cake." si Jean.

Instead na Jera Kaye ay tinawag niya itong Jera cake kasi mahilig si baby na kumain ng cake na ginagawa ko.

Invited ang mga kaibigan at mga ka-pamilya namin both side. Dito ginanap sa bahay ng parents ni Jean ang party dahil masikip kapag sa bahay namin gaganapin. Kaya nandito rin ang mga kapatid ko sina Kuya Seg, Icel, Gino, Ico at pati si Mama.

Ang kapatid ni Jean na si Ivan at ang asawa nito, ay nandito rin ganon din ang mga magulang niya. Masaya ako dahil ramdam ko na mahal ng mga biyenan ko si Jera Kaye, as in mahal na mahal nila at hindi ko na rin nararamdaman na kaiba ako sa kanila.

Si Jean muna ang bahala kay Jera, pinuntahan ko naman ang mga bisita.

"Okay lang ba kayo? Maraming food, kumuha lang kayo."saad ko sa mga kaibigan namin na nakaupo na.

"Mira, ang sarap-sarap talaga ng cake mo. Tataba ako nito dahil kanina pa ako kumakain ng cake."si Ellaine.

"Bet ko rin ito, baka nga hindi na ako mag rice. Okay na ako rito sa cake."si Frances.

"Wala na ata akong gagawin kundi kumain sa handaan. Next naman sa birthday ni Jamsen, eto na lang talaga ang magiging role ko for life umattend sa kasal, birthday party at binyagan."drama ni Yana.

Natatawa tuloy kami.

"Sana next na kainan sa kasal mo na Yana."si Atasha sabay ngiti sa akin.

"Asa pa kayo diyan kay gurang, ako kasi ang type niyan kaya di makahanap hanap ng jowa."si Jean. Nasa likod ko pala ang asawa ko.

"Nakakadiri ka Jean. Hindi pa ako naba-bakla para patulan ka."si Yana.

Nagsisimula na naman ang mga ito. Basta andito ang asawa ko tiyak, may bu-bwisitin na naman siya diyan sa mga kaibigan niya.

"Salamat at nagustuhan niyo ang mga hinanda namin para sa inyo."saad ko.

Naramdaman ko na may kamay na humila sa akin------si Samantha.

"Ang sarap ng mga handa niyo lalo na itong cake, nagustuhan ko rin, the best ka talaga gumawa Mira. "

"Hayaan mo magpapadeliver ako sa condo niyo bukas, pati si Anne bibigyan ko rin."

Mahilig kasi si Samantha sa mga cake. Dati nung nanliligaw pa si Johansen sa kanya madalas siyang ibilhan ng pasalubong kaya ginagawan ko siya dati ng obento cake. Kagaya niya si Anne na ayaw ng masyadong matamis, at pati na si Jill.

Ganon talaga, kanya kanya ng taste buds at minsan nga nagbabago rin ito habang tumatanda ang tao.

Kumbaga alam ko na ang mga taste buds ng mga kaibigan namin at dahil sila ang mga bisita, binabaan ko ang sugar level ng mga desserts na hinanda namin para sa kanila. Yong sa mga main course at drinks ay catering service na ang naghanda.

"Hindi ko tatanggihan yan Mira kasi parang kaya kong ubosin itong isang slice na malaki."

Napangiti ako. Kahit ata isang buong cake ang kainin niya hindi siya tumataba. Hindi gaya ko, kailangan kong maghinay-hinay dahil madali akong tumaba sa mga matatamis na pagkain. Okay lang sakin yong tikim huwag lang lamon. Hindi ko kasi maharap minsan ang mag-exercise dahil marami akong inaasikaso, ang bakeshop, ang asawa ko at ang anak ko.

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Where stories live. Discover now