Chapter 3

5.8K 147 3
                                    

Mira Jane Garcia

Nakakatuwang isipin na kasama ko si impakto at ang mga kaibigan niya, nandito kami ngayon sa White Sand Beach bandang Norte. Buti na lang nakasama ako sa reunion nila.

Sinabihan niya ako nong nakaraan na magdagdag ako ng tao sa shop dahil gusto niya kapag may importanteng lakad ay maisasama niya ako. Kaya sinunod ko yong payo niya kumuha ako ng tao, kaya kahit iwanan ko yong shop ay operational pa rin ito.

Nakiusap ako kay Kuya Seg na dumaan siya sa shop kahit kada hapon lang habang wala ako para maisabay rin niya sa pag uwi si Mama.

Lagi kasing nasa shop si Mama mula nong magretire siya sa kanyang trabaho.

Pasalamat ako kay Mama, dahil after ng graduation ko sa college pinagbigyan niya akong mag aral sa Tesda ng short course para sa bread and pastry production.

Hanggang sa nagsimula akong gumawa sa bahay at di naglaon may mga nakukuha akong orders, hanggang sa tinulungan ako ni Mama na makakuha ng pwesto gamit ang savings niya. Andiyan din ang mga kaibigan ni Jean Kaye na tumulong sa akin na makakuha ng mga customers.

"Naku Mira, sure ka na ba diyan kay Jean? Di ba sakit sa ulo yang taong yan?"si Ellaine habang kumakain kami ng pinya dito sa cottage.

Ang sama tuloy ng tingin ni impakto kay Ellaine.

"Sa totoo lang nagdadalawang isip nga ako."sagot ko.

Pinipilit kong huwag matawa kasi nakasimangot si Jean Kaye.

"Ellaine, pwede bang huwag mong i-brainwash si Mira Jane kung ayaw mong isubsob kita sa kinakain mo!"

Nahampas ko tuloy yong braso niya. Lokong to aawayin na naman niya si Ellaine! Ang lakas kasi niyang mang asar ng mga kaibigan niya, pag siya ang inasar nagagalit siya.


"Bakit! Pinagsasabihan ko lang naman si Mira ,ah. Sakit ka naman talaga ng ulo!"

"Ahh ganon!"si Jean Kaye at akmang hahambalusin niya ito ng pinya pero nakatakbo si Ellaine saka ito sumigaw.

"Ayyyyy!!!"

Natatawa tuloy ako. Bumalik na naman ang kakulitan ng impaktong yon! Samantalang nong kababalik niya galing America, medyo tahimik siya. Seryoso. Parang naninibago.


Akala ko mabait na. Bumi-bwelo lang pala.


Makulit! Pero iyan naman ang isa sa minahal ko sa kanya.

Pagbalik ni impakto pinagalitan ko nga siya. Madalas sila ni Yana nag pinaka maingay sa grupo namin.


"Sira ka talaga impakto nagbibiro lang ako! Sinasaktan mo si Ellaine."

"Huwag kang makikinig sa mga yan. Sinisiraan ako. Ang papangit kasi nila."

"Sus, impakto ka rin naman."

Akala ko maiinis pero ngumiti lang ito.

"Mira Jane."

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Where stories live. Discover now