Chapter 40

1.5K 55 0
                                    


Mira Jane Garcia

Ngayon lang ulit ako makakapunta sa shop ko. Isasama ko si baby Jera. Makakapasyal kaming dalawa ngayon.

Naghahanda na ako nu'ng mapansin kong hindi pa kumikilos si Jean papunta sa office niya. Madalas kasi nakasuot yan ng suit, ngayon naka pants lang at Tshirt ang impakto.

Pinagmamasdan ko siya. Mukhang wala nga siyang balak pumasok ngayon.

"Jean, hindi ka ba maghahanda para sa work mo? Niready ko na yong isusuot mo na pang-office, kami ni Jera aalis din pupunta kami sa bake shop. Magpapahatid nalang kami kay Kuya Seg dahil nandiyan siya kina Mama ngayon."

Ngumiti siya saka niya hinalikan ang buhok ko.

"Hindi ako pupunta ng office today dahil sasamahan ko kayo ni baby na pumunta sa bake shop mo."

"Seryoso ka ba Jean sasamahan mo kami?"

"Yep! Mag-aalala kasi ako kapag hindi ko kayo kasama tapos aalis kayong dalawa."

"Paano yong work mo? Hindi ka ba hahanapin sa office mo?"

Ang dami kong tanong sa impaktong ito ilang sandali pa inakbayan niya ako.

"Nah! Don't worry about that. I have trusted men to handle everything. Tatakbo ang kompanya kahit wala ako roon, kaya let's go. O baka naman ayaw niyo akong isama, ha?"

Lumabi siya.

Natawa tuloy ako sa impakto na 'to. Kainis! Kapag lumalabi siya nakakatawa siya, kahit bagay niya.

Pwede ba namang hindi siya isama. Syempre gusto namin ni Jera na kasama siya dahil mas masaya kapag kompleto kami sa lakad.

"Jean, gustong-gusto namin ni baby na kasama ka, tignan mo si Jera mukhang excited lumabas. Ngumingiti siya."

"Oo nga 'no? Baby come here, do you want to go on a yacht?"

Kinuha niya sakin si Jera.

Nakakatuwang pagmasdan ang mag-dada. Ang cute ni Jera habang nasa bisig siya ni Jean. Ang liit-liit niya, samantalang napakalaking tao ng dada niya.

"......when you grow up I'll buy you your own yacht. Gusto mo ba 'yon, baby? Ohh mukhang gusto mo, ha. Lahat ibibigay ko sa inyo ng mommy mo."

Grabe si impakto, yacht agad ang gustong iregalo sa anak namin.

"Jean, ayoko na ma-spoiled yang si Jera, ha. Ayokong lumaki siya na mayabang por que may pera ka."

"Okay lang yon, mahal ko. Lumaki din naman ako na spoiled pero hindi naman ako mayabang, di ba?"

Tumaas ang kilay ko.

"Hindi ka mayabang impakto. Nuknukan ka kaya ng yabang."

Natatawa siya. Pati ako natatawa. Tanggap naman niya sa sarili niya na ganon nga siya.

"Sige na, sige na, hindi ko i-spoiled si Jera. Ikaw nalang kaya ang spoiled ko, ha?"

"He!"

Pareho kaming natatawa. Yong mga ganyang banat ni impakto alam ko na yan.

.....

NATULOY kami sa pupuntahan namin at si Jean ang nagmaneho ng sasakyan.

Pagkarating namin dito sa shop para akong nanibago. Ang tagal kong hindi nakapunta rito. Dumami ang staff at napaka-aliwalas ng shop.

"Good morning Mam Mira, Mam Jean."

Binati nila kami pagpasok namin. Nakangiti silang lahat. Napangiti rin ako sa tuwa.

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Where stories live. Discover now