Chapter 30

1.4K 57 1
                                    


Jean Kaye Emerson

10AM at EMERSON TOWER

"Ma'am Jean may tawag po kayo, Ms. Cherry daw po."si Ayrin.

Ang aga naman mang-storbo. Ano na naman kaya ang sasabihin niya? Well, wala na akong pakialam. Nilinaw ko na sa kanya lahat kaya wala na dapat kaming pag-uusapan pa ni Cherry.

"Please tell her I'm busy, at huwag na siyang tatawag dito sa office ko."

Hindi naman talaga ako busy. Ayoko siyang maka-usap.

"Noted, Ma'am Jean."

Mangungulit na naman ba siya? Damn!

Nagpatuloy ako sa trabaho ko nong magring ang cellphone ko. Wala sa loob ko na pinulot ito at sinagot ang call.

"Yes, hello?"

"Jean, iniiwasan mo ba ako?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa boses na narinig ko.

Si Cherry!

"Where did you get my number?"

"I got your number sa isang kaibigan."

"Hindi ba sinabi ng Secretary ko sayo na huwag ka nang tatawag sakin?"

"Yeah, sinabi niya sakin na busy ka. Pero hindi ako na-convince. I just wanna talk to you."

Napasandal ako dito sa kinauupuan ko at napahawak sa sintido ko.

"Cherry I want to clarify something mukhang hindi mo kasi naiintindihan. I'm Engaged, kaya please lang....huwag mo na akong tatawagan pa."

Rinig na rinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya.

"I'm going back to the States, pero gusto kong magkita tayo before I leave."

"I can't."

"Why?"

"I just can't, I'm sorry."

"Wala ba tayong pinagsamahan, Jean? Kahit as a friend hindi ba pwede?"

Napayuko habang hawak ang sintido ko. Sumasakit ang ulo ko.

"No. Ayokong bigyan ng dahilan ang fiancee ko na sumama ang loob niya sakin. Cherry I hope you understand."

"Fine!" binabaan niya ako ng call.

Ako naman tong napabuntong hininga. Huwag na sana siyang tatawag pa!

...

Pagdating ng hapon.

Lumabas na ako ng office at dumiretso sa shop ni Mira Jane, pero parang pagod na pagod ang pakiramdam ko.

Hindi ko alam kung dahil sa trabaho o baka nag-o-overthink ako dahil kay Cherry. Nawala siya agad sa isip ko mula nong nagkaayos kami ni Mira Jane.

Hindi ko rin naman siya tinuturing na special someone dahil wala talagang kahulugan sakin lahat ng mga ginawa namin.

Pagdating ko dito sa shop hinanap ko agad si Mira Jane at nakita ko siya dito sa second floor habang nag-i-inventory siya.

Hindi ata niya ako napansin, direcho akong pumasok at umupo ako dito sa swivel chair habang pinapanood siya.

Hinayaan ko muna siyang magbilang ng mga cookies, bread and cupcakes na naka packed. Nilalagay niya sa mga boxes after niyang mabilang.

Baka mawala siya sa bilang kapag kinausap ko siya kaya quiet lang ako rito.

Pinagmasdan ko rin ang ibabaw ng table niya.

Napangiti ako dahil napakaraming papel, halu-halo ang mga reports at mga journals, mga ballepen at calculator tapes na nagkalat. Naalala ko na naman nong college kami na burara siya sa kwarto niya.

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon