Chapter 16

1.6K 73 3
                                    

Mira Jane Garcia

PINAGMAMASDAN ko itong driver's license ko habang nakaupo ako dito sa may sala. Hinihintay ko si Jean dahil sasabay ako sa kanya papuntang shop ko, siya naman ay pupunta sa opisina niya.

Sa wakas, may driver's license na ako!Nilagay ko na ito dito sa wallet ko.

Ang pangit ng pagkakuha ng picture ko dito sa license. Ang gulo gulo ng buhok ko!

Mukha akong criminal!

Nakakainis kasi, di pa ako ready bigla akong kinuhanan ng picture sa LTO.

Hindi ko to ipapakita kay Jean!

"Mahal patingin nga ng ID mo?!"

"Ihhh! Jean! Akin na yan!"

Naagaw niya yong wallet ko.

Porke mas matangkad siya sa akin, itinaas niya ang kamay niya at tiningala ang ID ko.

Hindi ko maabot!

"Jean....!"

Tumalon ako. Iniwas niya.

"A-ha-ha-ha! Bakit mukha kang baluga dito, Mira Jane?!"

"Bwisit ka impakto! Akin na nga yan!"

Nagpapadyak na ako kaso tawa lang siya ng tawa.

Nakakaasar talaga. Pinagtatawanan niya ang itsura ko sa driver's license ko!

"Okay lang yan, Mira Jane. Cute ka naman sa personal."

"Hmp! Pagkatapos mo akong laitin! Sasabihan mo akong cute! Niloloko mo ako."

Napakagaling talaga niyang mang-asar.

Ibinalik na niya ang wallet ko.

Gusto ko tuloy maiyak.

"Mira Jane, ibibili na lang kita ng kotse kahit ngayon din."

"Ayoko! Yong kotse mo ang gusto kong i-drive!"

Alam kong mahal niya yon, eh.

"Oh ayan ang susi. Bahala ka na. Matutulog na lang muna ako rito sa sofa, mamaya na ako papasok sa office."

"Jean, samahan mo ako."

Humiga na siya. Hinihila ko siya pero ayaw niyang kumilos.

Ibinalik ko na lang sa kanya yong susi ng kotse niya. Natatakot ako mag isa na magdrive.

"Akala ko ba gagamitin mo yong kotse ko?"

"Hindi na!"nakasimangot ako. Halata namang natatawa siya.

Habang nakahiga siya sa sofa ay nakaupo naman ako dito sa tabi niya.

Di ko maintindihan bakit bigla ko naisip kung anong itsura ng tatay ko. Hindi ko na maalala ang mukha niya.

"Jean?"hinawakan ko yong braso niya.

"Yes?"

Okay lang kaya na itanong to sa kanya?

Okay lang siguro...

"Ano bang itsura ng tatay ko? Hindi ko na kasi maalala."

Tinitigan niya ako at mukhang binabasa niya ang mga mata ko.

"Na-curious lang ako kasi hindi ko na ma-picture ano ba itsura niya."

Umupo siya at hinawakan ang ulo ko.

"Hay Mira Jane....Ahm, patandain mo lang si Seg. Ganon ang itsura niya. Medyo payat lang ang tatay mo."

Tumango ako.

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon